Chapter 20

176 2 0
                                    


• | Nagkita na tayo ;

Umuwi ang mga kaibigan namin at dalawa nalang kaming nandito. Naka tingin lang siya kay kierra na natutulog.

"Tuwing pinag sasalitaan ko sila ng hindi maganda, nasasaktan ako and I felt guilty. Gusto kong magalit sakanila pero hindi ko magawa. And nung birthday nila, ang saya ko and I don't know why. She's like a daughter to me, because she treats me like her own dad. Inisip ko na baka hindi ka pinanindigan ni gabriel at walang ama ang mga bata kaya gano'n nalang niya ako itrato" napatingin ako sakanya.

"No'ng araw na makita ko siya sa office, dabi ni amanda ilang oras ng nag hihintay ang bata sa office ko. Pag pasok ko ang laki ng ngiti niya saakin. Binigyan niya ako ng regalo, she said it's a thank you gift dahil inalagaan at sinamahan kita habang wala sila. Pero nang maisip ko ulit si gabriel nainis ako. Tinapon ko ang regalong bigay niya pag labas niya sa office ko, pero may kung anong kirot sa puso ko ng gawin ko iyon. Ang sakit"

"And now? All this time, anak ko sila?"

"Hindi kita piliting maniwala ka saakin seb. Nung gabing umalis ka, gusto kitang habulin. Pero natatakot ako" tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan.

"Bala ko ng sabihin sayo ang totoo pero natatakot ako baka magalit ka saakin at kamuhian ako dahil 6 years kong tinago ang mga bata sayo" paliwanag ko.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Sebastien, kung alam mo lang. ilang beses akong nag try na sabihin sayo nung panahong buntis ako. Tuwing kasama kita ilang beses akong nag tagkang magsabi sayo pero natatakot ako na hindi mo tanggapin at sabihin saakin na si gabriel ang naka buntis saakin. Pero pinangako ko na sa susunod na pagkakataong magkatagpo tayo sasabihin ko na sayo. Per nung huling kita ko sayo, nakita kitang may kahalikan sa parking lot" sabi ko.

"Kaya doon na ako nag desisyon na magpakalato sayo kasi inisip ko na ang dali ko lang sigurong palitan kaya nagawa mo iyon saakin. Palagi kitang hinahanap, gusto kitang yakapin, gusto kitang halikan, gusto ko ng yakap mo pero tiniis ko lahat kahit ikaw ang hinahanap ko at ikaw ang pinag lilihian ko. Kahit buntis ako noon seb, yung mga bata mismo ang nag tutulak saakin na mamiss ka kahit galit ako lahat napapawi dahil sakanila noon pa" gumaan ang loob ko dahil finally, nasasabi ko lahat ng ito sakanya.

"Kinausap ako ng lolo mo noon nalaman niyang buntis ako at naniniwala siyang ikaw ang ama. Sinabi niya na sabihin ko sayo ang totoo dahil tiyak na matutuwa ka pero sinabi ko na iisipin mo lang na anak sila ni gabriel. Tinulungan ako ng lolo mo, nagpunta kami ng brazil at siya ang naging dahilan. Gusto niyang sabihin sayo pero nirerespeto niya ang desisyon ko at mas maganda kung saakin mismo manggaling"

"Pero sana sinabi mo. Kaya naman patunayan ng dna 'yon freja. Pero naging selfish ka"

"Dahil pag dating ko rito nakita agad kitang may kasamang babae and worst, naging girlfriend mo pa siya. 2 years mo siyang naging girfriend sebastien, pero ako? Wala pang isang buwan ng makasama mo ako tapos minahal na agad kita."

"Pero tinanggalan mo ako ng karapatan-"

"Hindi kita tinanggalan ng karapatan seb. Kung tinanggalan kita ng karapatan, sana hindi ka kilala ng mga anak natin at sinabi kong patay na ang tatay nila pero hindi. Hinayaan kong makilala ka nila" sagot ko sakanya.

"Aaminin ko, naging selfish ako dahil may pagkakataon na magkasama tayo pero hindi ko magawang sabihin sayo ang totoo. At mali ako sa part na 'yon. Pero the first time na makita ka ng mga bata hindi maganda ang nangyari"

Nasasaktan ako. Nakita kong tumulo ang luha niya habang nakatitig kay kierra. Nahihirapan din naman ako ngayon pero wala akong masabihan ng hirap kasi kailangan malakas ako.

Hindi ko rin naman kayang pekehin ang pagiging mahina ko.

"Kaya okay lang kung magalit ka. Tatanggapin ko, ang importante naman ay ang nandito ka, at alam mo na ang totoo. 'Yon ang mahalaga saakin" paos kong sabi. Tumayo ako nag lakad palabas. Pag sara ko ng pinto napatakip na ako sa labi ko at umiyak ng todo.

Kasalanan ko naman kung bakit nangyayari 'to. Nag lakad ako at dinala ako ng mga paa ko sa maliit na chapel ng hospital. Umupo ako st napayuko.

"Bakit ang sama sama mo saakin? Ang dami mo ng kinuhang taong malapit saakin at pinakamamahal ko."

"Bakit pati anak ko kukunin mo? Naging masama ba akong anak sayo? Alam kong hindi ako perpektong tao pero sobra na kasi eh."

"Hindi pa ba sapat lahat ng nangyari sa buhay ko? Hindi pa ba sapat na kinuha mo ang mga taong pinakamamahal ko?"

"Sana ako nalang ang kinuha mo. Alam mo kung gaano ko na gustong lisanin ang mundong 'to pero bakit taong malalapit saakin ang kinukuha mo?"

"Ang unfair mo naman eh. Anak ko 'yon eh. Bakit anak ko pa kung puwede namang ako ang kunin mo mas tatanggapin ko pa."

"Ang damot damot mo. Happiness lang ang gusto ko pero tripleng sakit ag binibigay mo saakin."

"Kung nandito siguro yung batang lalaki, uungasan siguro niya ako at sasabihang napaka iyakin ko."

"Freja"

"Hmm? Bakit?"

"Are you happy?"

"What do you mean? Bakit mo natanong?" I asked.

"What I mean is, are you happy now? Contented? Your life?"

"Magkaiba kasi ang happy sa genuine happiness. Happy siguro"

"I gave my kidney to you for you to live happily, not to suffer and cry alone freja"

"Sorry pogi, hindi ako masaya ngayon"

"Why? Are you in pain?"

"Oo, gano'n na nga"

"Still, try to be happy freja. I started to pray and go to the church you said to me."

"Talaga?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Yes, I always pray for you"

"Huwag kang mag alala palagi kang kasama sa mga prayers ko rin."

"Thank you." Nginitian niya ako. Binigyan niya ako ng pamilyar na ngiti.

"Ngayon lang ulit kita nakita" nakatingin sa malayo kong sabi.

"Na-miss mo ako?" Hindi ako sumagot.

"Paano pag sinabi kong nakabantay lang ako sa 'yo?"

"Edi masaya ako atleast naaalala mo pa ako"

"Eh ako? Naaalala mo?" Tumango ako.

"Hinahanap nga kita eh" sabi ko at ngumiti.

"Nagkita na tayo, matagal na freja"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon