Chapter 86

84 1 0
                                    


• | Communication ;

Karalyn's POV

Pagod na ako!!

Kanina pa kasi kami nandito sa labas dahil nga nag pre-prepare na kami for the wedding of the century. Gusto kasi ni sebastien na agad agad ang wedding, atat na atat kasi! Akala mo naman babawiin ko ang yes ko sakanya.

Ang sakit na kaya ng buong katawan ko!! Naalala ko mag fo-food tasting pa pala kami kaya sinundo niya ako. Kasama ko sila lia kanina, eh.

Pero pagod talaga ako, gusto kong matulog, sa kama. Sumasakit ang katawan ko, huhuhuhu.

"Guto ko na umuwi." Nakanguso at bulong kong sabi habang nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.

"Pagkatapos natin mag foos tasting, we'll go home."

"Puwede bang ngayon na? Gusto ko na magpahinga seb."

"Magpahinga ka muna." Aniya. Hindi ko mapuwesto ang katawan ko. Nakababa kaya itong sandalan kanina para makahiga ako kaso hindi talaga ako komportable. May unan na nga dito sa kotse pero hindi talaga ako makapuwesto ng maayos.

Napatingin ako kay sebastien na nag dri-drive gamit lang ang kaliwang kamay niya, ang isang kamay niya kasi ay nasa hita ko. Haysss ang pogi talaga.

Ang cool pa niyang tignan, alam ko rin namang pagod siya dahil kahit inaasikaso namin ang wedding namin pumapasok parin siya sa trabaho. Makikipusta ako, pag dating namin sa bahay mamaya hindi pa matutulog 'yan. Haharap pa 'yan sa laptop niya at titipa tipa.

Ganyan yan siya. -_-

Napaka workaholic ni sebastien. Napaka sipag niya, ayawddddd niyang pinababayaan niya ang trabaho lniya. Sa totoo lang.. wala pa akong naibibigay kay sebastien, bukod sa puso ko.

May relo naman siya, ang ginagamit niyang watch ay 'yong bigay ni kierra sakanya noon na nakita ko sa basurahan.

'Yong relo na sinusuot niya noon na pagmamay-ari ng daddy niya ay binigay niya kay sevastian at bumili din si sebastien na kapareho ng relo ng daddy niya kahit luma na ang relo at mahirap na hanapin ang gano'ng type ng relo. Tapos nalaman ko na binilhan din niya si max kaya magkakapareho ng relo ang tatlong bata. At ako, ito wala pang naibibigay kay sebastien bukod sa puso ko at ang nga bata at ngayon itong pagbubuntis ko na may bata rin sa loob.

May isa akong naisip, actually dalawa sana ang balak kong ibigay kay seb. 'Yong stethoscope ang naisip ko, and... hmm.. pen and painting and tie pin.

Bumili rin kasi ako ng necklace tapos ang pendant ay brain. Tapos 'yong stethoscope naman ay may naka engrave na name niya na Rowanne, gano'n din sa pen, at sa tie pin naman ay scalpel ang designa at may brain din. Dalawa mng tie pin. Wala kasi akong ibang maisip pero sana magustuhan niya. Sa painting naman, may na-paint na ako no'ng wala si sebastien.

Brain ang pinaint ko, ang hirap nga naka ilang ulit pa ako. And gusto kong mag on the spot paint sa harap niya at mukha niya ang ipe-paint ko. Sa totoo lang hindi naman materialistic si sebastien kaya wala rin akong idea kung may gusto pa ba siyang mga bagay pero madalas wala akong nakikitang binibili niya para sa sarili niya.

Para bang hindi niya iniisip ang sarili niya. Sa bahay nga wala siyang solo pictures. Kaya nagpa develop na rin ako ng pictured niya na kuha ko at bumili ako ng frame para naman may picture siyang naka display, subukan niyang umangal, sinasabi ko talaga, makikita niya ang hinahanap niya. Tsk!

Gaya nga ng sabi niya, after namin mag food tasting ay umuwi na agad kami. Siyempre pag uwi namin nawala ang antok ko kaya nilagay ko sa frame ang mga pictures niya.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon