Chapter 63

118 1 0
                                    


• | Darling, I have a question ;

Gabi na hindi pa kami nakakarating, malapit lapit na rin kami pero dahil sa traffic kanina kaya natagalan kami. Si val naman ay tulog na.

"Sevi"

"Hmm?"

"Stop over muna tayo, kailangan pa natin kumain" hindi ako natulog dahil iniisip ko si sevi baka inaantok.

Tinawagan ko si lia para sabihan sila na maghanap ng fast food chain para kumain kami at sakto raw dahil may madadaanan kami na jollibee.

"Sevi ako kaya mag drive? Para makapag pahinga ka"

"Nako hindi na, kaya ko tsaka sanay na rin sa puyatan"

Pinabasa ko sakanya ang sinabi ni sebastien.

"Ang pogi naman mag chat ni sebastien pero pag saakin laging may galit na emoji" reklamo ni sebi saakin.

"Ang pogi naman mag chat ni sebastien pero pag saakin laging may galit na emoji" reklamo ni sebi saakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Buti nga concern asawa ko sa 'yo nag rereklamo ka pa" anas ko at tumawa siya.

Nag park si sevi sa jollibee at bumaba kami. Ginising naman niya si val dahil tulog at nakahiga sa back seat at ako nag stretch ako ng katawan ko.

"Malapit na tayo" sabi ni jake nang magkita kita kami.

Pumasok kami sa jollibee at pinag titinginan kami ng mga tao. "Mag order na kayo, ako ang magbabayad" sabi ko at namili agad sila at si lia ang pumila para mag order.

"Coke float, sundae, fries, burger, and chicken" sabi ko at napatingin sila saakin.

"Ikaw lang ang kakain?" Tumango ako kay sevi.

"Takaw mo pala" aniya.

Naghanap kami ng upuan nila beth at val at ang dalawang lalaki naman sinamahan si lia. "Doon" sabi ni val kaya agad kaming umupo sa lamesa na 'yon.

"Grabe ang sakit ng pwet ko" si Beth.

"Same" lia

"Ako rin naman" sabi ko.

"Ako katawan" sabi ni val.

"'Di bale, malapit naman na tayo sabi ni jake. May isang bayan pa tayong dadaanan tapos doon na. Maliit lang naman daw ang bayan na 'yon kaya mabilis tayong makakarating" sabi ni Lia.

Dumating ang tatlo at umupo.

"Hihintayin pa natin ang order" sabi ni lia at binalik saakin ang credit card.

"Hindi ba kayo inaantok?" Tanong ni sevi

"Hindi, kinakausap ako ni lia" sagot ni jake at napatingin ako kay sevi na parang nag seselos ang reaction ng mukha.

Nako nagseselos ba siya?

"Kayo?" Tanong ni lia.

"Kinakausap din ako ni karalyn at inaasar ako ni val"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon