Chapter 37

192 3 0
                                    



| Unconditional Love

Play the music video above 🥺

Sevi's POV ;

Papunta na kami sa hospital ngayon. Lahat kami ay nasaksihan ang nangyari lalo na si karalyn. Hindi namin inaasahan ang nangyari, nahulog sa building ang lolo ni sebastien sakto pang sa kotse niya ito bumagsak.

Nang makita iyon ni karalyn ay agad na tumakbo si sebastien kay karalyn at tinakpan ang mga mata ni karalyn.

Maging si sebastien ay labis ang pagkagulat nang makita niya ang lolo niya.

Tumawag agad ako ng ambulance at police. At nakita rin sa building ang driver ng lolo ni sebastien na may tama ng baril at walang malay.

Nag aalala ao kay sebastien at kay karalyn.

Umiiyak na si sebastien kanina pero sigaw ng sigaw si karalyn na parang.. parang ayokong sabihin.

Sigaw ng sigaw si karalyn at may sinasabi na hindi namin maintindihan na para siyang baliw. Hindi na rin siya mapakalma ni sebastien. Kasama naman namin si lia na kanina pa tulala.

Si akihiro, heaven, at sky ay naiwan para makausap nila ang mga pulis. Si alex ay sumunod sa hospital dahil nag aalala ito kay karalyn.

Pag dating namin ay nag sisisigaw parin si karalyn.

"AAAAHHH!!! HINDI!!!! HINDI!!! 'YONG BABAE!!! KAILANGAN NATIN TULUNGAN 'YONG BABAE!!! NAHULOG SIYA!!!" Sigaw nito habang umiiyak. Kahit anong hawak sakanya ni sebastien ay sadyang naging malakas si karalyn at hindi na niya ito mahawaka kaya tinulungan ko na si sebastien.

"Fuck please... pleasee calm down freja.." umiiyak na sabi ni sebastien na pulang pula na ang mukha at kamay.

"KAILANGAN NATIN DAHIL SA HOSPITAL 'YONG BABAE!!! PLEASE MANIWALA KAYO!!" Babae?

Lolo ni sebastien ang nahulog hindi babae.

Dumating ang ibang nurse pero hindi pinayagan ni sebastien na hawak si karalyn ng mga nurse dahil nga buntis ito at ayaw nitong masaktan ang asawa.

"H-hold her" sabi ni sebastien at may kinuhang injection.

Nagdalawang isip pa siya. "I-I'm sorry..." aniya at tinusok ang injection kay karalyn kaya unti unti nang nanghina si karalyn.

"S-seb.. 'yong babae nahulog... nahulog si anne sa building" aniya at nawalan ng malay si karalyn. Napahagulgol si sebastien nang tuluyan nang mawalan ng malay si karalyn at binuhat niya ito.

Alam kong hindi rin alam ni sebastien ang gagawin niya. Kailangan siya ng anak niya, kailangan siya ng lolo niya, kailangan din siya ng asawa niya. Alam kong nahihirapan si sebastien ngayon dahil sa nangyayari sa pamilya niya at maging ako ay nasasaktan sa nasasaksihan ko.

Pinuntahan namin ni sebastien ang lolo niya pero huli na ang lahat. "FUCK FUCK FUCK!!!" Sigaw ni sebastien habang sinusuntok ng paulit ulit ang pader ng hospital.

Hinawakan ko ang balikat nito.

"I'm sorry sebastien"

"Bakit nangyayari 'to?" Sa buong buhay na magkasama kaming dalawa, masasabi kong para na kaming magkapatid dahil through up and downs, nakita ko kung paano lumaban si sebastien, nakita ko kung paano siya nadapa ng ilang beses.

Pero masasabi ko rin na ngayon ko lang nakita na naging miserable siya. Sa itsura niya ngayon? Napaka miserable niya. Tatlong tao na ang nawala sakanya. Ang magulang niya at ang lolo niya.

Pinuntahan niya ang lolo niya sa morgue at doon narinig ko ang sigaw niya na never kong narinig.

"AAAHHH!!! LOLO!!!"

"TELL ME!! WHO DID THIS TO YOU!? SINONG GUMAWA NITO SAYO!?"

"I'M SORRY THIS IS ALL MY FAULT!!"

Napapikit ako dahil tumulo na rin ang luha ko kaya minabuti ko munang iwan siya at puntahan si kierra.

"Kierra... gumising ka na oh. Kailangan na kailangan ka ng mommy at daddy mo ngayon" hindi ko napigilan ang luha ko kaya tuluyan na itong tumulo.

"Kailangan ka ng daddy mo. Kahit man lang dumilat ka alam kong sasaya siya kahit konti. Sa pagkakataon kasi na 'to walang makakapag pasaya sakanya"

Kasama ni kristoff si sev at atlantic at hindi ko alam kung anong magiging reaction nila kapag nakita nila ang mommy nila.

Si lia naman ay kasama ni alex, ipapakausap ni alex si lia sa psychiatrist at ipapatingin din niya si karalyn sa psychiatrist.

Coincidence ba ang lahat ng 'to?

Bakit napakaliit ng mundo para kay karalyn at sebastien? Sinusubok ba talaga sila ng tadhana?

Tumunog ang phone ko atnsi akihiro ang tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Kamusta diyan?"

"Aki, wala na ang lolo ni sebastien"

"Fuck"

"Anong balita diyan? Ano sino ang tumulak sa lolo ni sebastien?"

"Hayss malabong ang driver ng lolo niya ang tumulak sa lolo ni sebastien. May ibang gumawa pa nito at wala ring cctv. Sa cafe meron, meron masyadong madilim ang gawi ng building kaya hindi rin nakita. At mukhang hindi ito dumaan sa cafe"

"Kung gano'n may motibo nga ang gumawa nito"

"Tinanong kami ng pulis kung may kilala kaming kaaway nila pero sabi ko wala kaya pupunta sila diyan sa hospital para kausapin sila lia at karalyn"

"Aki huwag. Hindi pa puwede, wala pa sa tamang pag iisip si lia at karalyn. Alam mo naman na nasa shocked pa ang dalawa at isa pa, hindi rin puwede si sebastien baka kung ano pa ang magawa niya sa mga pulis eh"

"Fine, ako na ang gagawa ng paraan. Balitaan mo nalang ako, huwag mo muna silang iwan. Sebastien needs us"

"Sige aki ingat kayo riyan"

"Kayo rin"

Napa hinga ako ng malalim at napatayo ako nang pumasok si sebastien sa kwarto ni kierra. Diretso lang ito sa pag lalakad at ang miserable niyang tignan.

"Baby...." aniya sa anak niya.

"I'm sorry..... Hindi ko naprotektahan ang lolo mo. This is all my fault"

"Sorry, hindi nakinig si daddy sa 'yo. I'm so sorry baby" tumingala ako dahil muli nanamang may namumuong luha sa mga mata ko sa nasasaksihan ko.

"Wala na si lolo baby... Wala na ang lolo ko, 'yong lolo mo baby... Wala na siya.."

"Kahit mahirap para saakin kierra, pero kung saan ka masaya pumapayag na ako anak ko.."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya ng labanan ang luha ko. Sunod sunod na itong tumulo dahil sa nakikita ko.

Hawak ng isang kamay niya ang kamay ni kierra at ang isa naman nitong kamay ay nasa pisnge ng anak niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kapitan si sebastien. Nilapitan ko siya at hinawakan na ang balikat niya habang patuloy itong umiiyak at kausap ang anak niya. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang mga kaibigan namin, maging si atlantic at sev ay nakita ang nangyayari.

"I'm really sorry kierra kung wala akong nagawa, kung walang nagawa si daddy para gumaling ka. I hope you forgive me my baby"

"Kung nahihirapan ka na talaga, binibigyan ka kita ng pahintulot para magpahinga" hindi ko kinakaya ang mga nangyayari ngayon. Lahat kami ay naging emotional na.

"Masakit para saakin ito kierra, ayokong gawin 'to sana maintindihan mo ako. Nahihirapan din si daddy anak. I'm sorry If I can't keep my promise, hindi naman kita sinusukuan baby. Masakit pero kailangan kong tanggapin anak"

"Magpahinga ka na anak. But please tuparin mo ang promise mo na babalik ka saakin"

"Mahal na mahal ka ni daddy. You will always be my daughter" hinalikan niya si kierra sa noo at kitang kita ng dalawang mata ko ang pag tulo ng mga luha ni kierra.

"You may now rest baby" kasabay ng pag bitaw niya ng mga linyang 'yon ay kasabay ng pag ingay ng mga machine.

Nag flatline na si kierra dahilan ng pag hagulgol ni sebastien.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon