Chapter 26

168 2 0
                                    


• | confrontation ;

Kristoff's POV ;

Gusto kong kausapin si sebastien. Hindi niya alam ang nangyayari sa pamilya niya, at ayaw lang ipasabi ni karalyn. Naaawa na ako sa mga bata at kay karalyn lalo't buntis siya. Wala siyang ka-alam alam hays.

Gusto kong suntukin si sebastien dahil ang gago niya.

Kinuha ko ang pt ni karalyn sa bag niya at nilagay sa isang box na pang jewelry box at sakto lang ang laki. Naglalakad ako ngayon sa hallway ng hospital.

Alam na rin ni sevastian at atlantic na buntis ang mommy nila kaya ayon, binabantayan nila ang mommy nilang nagpapahinga.

Pag pasok ko sa kwarto ay nandoon pala sila akihiro. "Oh? Buti nandito ka" sabi ni lia na napansin agad ang pag dating ko.

Hindi ko ito pinansin at diretso akong nag lakad kay sebastien.

"Puwede ba kitang kausapin?" Seryosong tanong ko. Buti tulog si kierra.

"For what?" Nagtitimpi lang ako.

"Basta, importante 'to" giit ko.

"Then speak, I don't wanna waste my time-"

"Talaga? Ganyan ka na ba katigas para sa pamilya mo?" Napataas na ang boses ko dahil sa inis ko kay sebastien.

Napaka tigas niya! Wala talaga siyang balak pagtuonan ng pansin ang asawa at anak niya?

"Kristoff" suway ni akihiro at napatayo na sila.

"Ano magpapakatigas ka? Ni-hindi mo alam anong nangyayari sa mga bata at sa asawa mo?"

"Anong nangyari sakanila?" Tanong ni sevi.

"Then just tell me what happened wala akong ala-"

"Wala ka talagang alam dahil napaka makasarili mo! Oo nandoon na tayo na tinago ni karalyn yung mga bata sayo! Pero ikaw din mismo ang nagsabi sakanya na huwag na siyang magapakita sayo! Malamang iniisip mong may nangyari kay gabriel at sa asawa mo, paano pag sinabing buntis ang sasabihin mo anak ni gabriel 'yon!" Napakuyom ako ng kamao ko st nanginginig na itong padapuin sa pagmumukha niya.

"Now you're defending her-"

"Oo! Dahil wala ka man lang pakialam sa mag ina mo! Wala kang kwentang asawa at ama!"

"At ikaw may kwenta!?"

"Tama na baka magising si kierra" pumagitna sila akihiro, sevi, sky at heaven.

"Hindi! Hindi puwede 'yong ganito! Huwag niyong ipagtatanggol 'tong makasarili ninyong kaibigan!"

"What the fuck is your problem huh!?"

"Problema ko!? Ikaw!" Turo ko sakanya at sinuntok siya. Hinila agad ako ni akihito at hinawakan na rin nila si sebastien na nagpupumiglas.

"Wala kang karapatan na pag sabihan ako!"

"Eh gago ka pala eh! Kung ayaw mong mapag sabihan! Sana ginagampanan mo ang responsibilidad mo bilang asawa at ama sa mga anak mo! Masyado kang nagiging bias! May dalawa ka ring anak sebastien! Gusto ka rin nilang makasama at makausap pero pag nandito sila ni isang tingin hindi mo magawa!"

"Pati yung asawa mong buntis ngayon nai-stress dahil sa 'yo!! Muntik ng makunan si karalyn dahil sa katarantaduhan mo! Masyado kang makasarili! Ngayon mas lumalala ang lagay ng bata sa sinapupunan ni karalyn!"

"Buntis si karalyn?" Tanong ng mga kaibigan namin.

"Ano hindi ka makapag salita!? Dahil hindi mo man lang magawang tanungin ang asawa mo! Pati mga anak mo lumalayo ang loob sayo! Nagkakagulo na si alex at karalyn wala ka paring pakealam!" Sigaw ko sakanya at kumawala sa hawak nila saakin.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon