Chapter 88

107 1 0
                                    


• | Ice Cream ;

Wedding Day

Sobra ang kaba ko, naiiyak na rin ako. Sobrang gulo ng utak ko dahil ito na. Finally.. makakapaglakad din ako sa sa gitna ng simbahan. Tube type ang gown ko at mahaba, kaya naka sneakers ako heheh. Ayokong mag heels o mag flat sandals, mas komportable akong mag sneakers dahil ayoko ring matapilok ako, ayokong maapakan ang hown ko. Hindi naman makikita, eh.

Mix emotions ang nararamdaman ko, sobrang saya ko at the same time malungkot. Wala si mama, si mommy, si lolo, si lolo alejandro, si kierra, at si aki. Kumpleto kaming lahat pero... ibang iba kung nandito sila.

Si mama.. minahal ko siya kahit iba ang pag trato niya saakin noon. Kahit puro masasakit na salita ang narinig ko sakanya pero inalagaan din naman niya ako, at naramdaman ko rin noon ang pagmamahal niya kahit hindi niya sabihin saakin at kahit anon masasakit na salita ang ibato niya saakin.

Hindi madali lahat ng pinagdaanan ko dahil 'yong takot at trauma ay nandito parin. Kahit lumipas pa ang mahabang panahon, nandito parin at nakaukit sa puso ko ang lahat ng paghihirap ko at sakit na dinanas ko.

Nakita ko kung paano nahulog sa building ang mommy at lolo ni sebastien, nakita ko kung paano nabaril ang daddy ni sebastien at akihiro.

Nakita ko ang paghihirap at pagtitiis ni kierra sa sakit niya, at hinintay niya muna ang daddy niya bago ito tuluyang nagpaalam.

Minsan kong inisip, ano ba talaga ang papel ko rito sa mundo? Ano ba ang mission ko?

Minsan ko na ring inisip na mawala rito sa mundo.

Pero, nag iba nang makilala ko si sebastien. No'ng panahong nakakuha ako ng kidney donor naisip kong binigyan ako ng pangalawang buhay, sa tulong ng isang batang lalaki.

At iyon ay si sebastien, siya ang dahilan kung bakit buhay ako. Siguro.. nabuhay ako para mahalin siya. Binigyan ako ng pangalawang buhay, para maranasan ko ang magandang buhay na matagal kong inaasam asam, hindi man perpekto pero ginawang perpekto ni sebastien.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko para maging ganito ka-blessed ang buhay ko ngayon. Deserve ko ba talaga ito? Deserve ko ba talaga si sebastien? Pero sana.. sana huwag ng mausog pa.

Hindi ako perpektong tao, noon takot na takot akong magkamali.. pero dahil kay sebastien, okay lang palang magkamali. Okay lang din palang masaktan, okay lang din palang umiyak sa harap ng isang tao. Dahil hindi ibig sabihin na hindi ka perpektong tao ay mahina ka na at walang kwenta.

May tao rin palang magmamahal sa isang kagaya ko. Ang dami kong insecurities and weaknesses pero tinanggap ako ng buong buo ni sebastien. Hindi ko alam kung bakit hindi niya nagawang magalit saakin nang malaman niyang witness ako sa pagkamatay nf pamilya niya, hanggang ngayon ay napapatanong parin ako sa sarili ko, dahil para saain hindi sapat na rason ang mahal ako ni sebastien.

Huminga ako ng malalim at mahigpit na napahawak sa crochet flower bouquet ko na ginawa ni sebastien. Kanina lang pala niya ito natapos no'ng kailangan na itong bouquet. Kakambal na talaga niya ang salitang effort. May pabango pa, ang pabango ni sebastien.

Nakaharap ako ngayon sa isang malaking pintuan dito sa harap ng simbahan at hinihintay ang sasabihin ng organizer at stylist ko.

"Baby.. chill ka lang ha? Sana naman makisama ka huhuhu..."

"Ready na.." Tumango ako at huminga ng malalim. Kaya ko 'to.

Maya't maya pa ay dahan dahan bumukas ang malaking pintuan sa harap ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Narinig ko ang piano, violin, at cello... napatingin ako sa gilid.. ang mga anak ko... may isang upuan na empty at sa upuan na 'yon may picture ni kierra at may violin na nakalagay doon.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon