4

2.8K 66 1
                                    

Four

The next day, todo iwas ako sa baklang yun. Mabuti nalang maaga akong pumasok at marami pang vacant seat. Hindi ko na kailangang umupo sa tabi nya. Nagulat ako nung sumigaw yung self-proclaimed bestfriend ko na agad nakapagpa-irita sa akin.

"K!!!Omaygash! Namiss kita!" Ewan ko ba kung normal pa tong taong to eh. Isang araw lang naman kaming hindi nagkita. Psh -.-!

"Wag kang OA Lei! Baka masapok kita! At tsaka bakit ang aga mo ha?" Banta ko sa babaitang nasa harap ko.

"Well, para maaga kong makita si Kent! Ang gwapo nya K! O e kumusta naman yung pagiging janitress mo kahapon? Haha. Kung ako siguro nag-enjoy ako! Haha" E kung sapakin ko nalang kaya to ng matauhan at lumayo nalang sakin! O Great! Bakit ba kinakausap ko pa tong takas sa mental na babaeng to eh!

"Shut up! At pwede ba, wag mong ipapaalala yung kahapon kasi nakakainis! Aish! Tska sino ba yang Kent na pinagsasabi mo?" Tanong ko sa baliw na kausap ko.

Sasagot na sana si Lei ng may magsalita sa likod namin.

"O akala ko ba hindi mo ako gusto, e bat parang interested kang malaman kung sino ako? May pasapok sapok ka pa sakin. Ano yun? Para ideny na crush mo ako? Haha" Boses palang nya, alam ko na agad kung sino. At syempre papatalo ba naman ako sa pang-aasar.

"So, Kent ang pangalan mo? FYI, hnd ako interesado sa kung sino ka at mas lalong hindi kita gusto. Like Duh! Sino bang magkakagusto sa PAMINTANG katulad mo diba? Haha!" Tinaasan nya ako ng kilay sabay lingon sa paligid.

Lumingon din ako sa paligid at nakita kong nakatutok yung atensyon nilang lahat sa amin.

"Well, let's see kung wala talagang nagkakagusto sakin! At excuse me lang, hindi ako PAMINTA! Ikaw nga tong mukhang paminta dito eh. Psh!" Pinagtaasan ko din sya ng kilay.

"Go patunayan mo kasi alam ko namang-" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng bigla syang sumigaw

"Yow guys! Sino dito yung mga may gusto ko sakin? Promise, papansinin ko kayo!" At nagulat nalang ako ng halos lahat ng babae at binabae eh nagtaas ng kamay at nagsisigaw na lumapit sa baklang to at ang ending, talo ako! Aish -.-

Sasagot pa sana ako ng dumating na yung prof namin. Nagsibalikan na sila sa upuan nila at ang bwisit na bakla, umupo sd likuran ko! Aish! Akala ko pa naman makakaiwas na ako dito eh! Nakakainis talaga!

"Good morning class. So before we start, I will arrange you alphabetically and that would be your permanent seats until the end of the semester. So, your seatmate will be your partner in every activity. Clear?"

"Okay ma'am" sabay sabay namin sagot. So, nagsimula na syang mag-ayos. Nasa L na so kami ng susunod. Mabuti nalang talaga at alphabetically arrange to at hindi na kami magtatabi ng isang baklang to. Haha

"Martinez, Mendez, Mendoza and Merced" Nagsiupuan na kami sa assigned seat nanin at nagulat ako ng katabi ko yung bwisit na bakla!

"Teka bakit ka nanjan?" Dahil sa hindi ko pa sya kilala e malamang tinanong ko!
"Yow, basagulera! Mendoza ako eh so dito ako! Kent Louis Mendoza! Pano ba yan seatmate tayo at partners pa lagi! So goodluck nalang sayo ha!" At nag-evil smile pa sya!

O my gosh! Bakit ba ang malas ko ata!!! Waaaa! Ayoko na! Magd-drop nalang ako!!! Waaa! Nakakainis naman talaga eh.

Tinignan ko ulit tong katabi ko at naevil smile parin sya na akala mo may binabalak na masama eh.

O to the M to the G talaga! I'm doomed!!!!! -.-

--
May makakapansin naman kaya sa storyang to? Haha. Well, sana meron! Haha! Thank you sa magbabasa.

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon