9

2K 58 0
                                    

Nine

Sabado ngayon at may usapan kami ng mga pinsan kong lumabas. Sigurado akong iinggitin lang ako ng mga yun tungkol sa bakasyon nila sa palawan at syempre handa na ako! Haha

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress tapos nag-ayos ng konti tapos bumaba na ako nang maabutan ko si Mommy at Daddy sa sala at naglalampungan. Hay! Nakakainggit talaga tong dalawang to.

"O Ai, lalabas ka?" Tanong ni daddy.

"Yup dad! Magkikita kami nila Dej. Iinggitin siguro ako. Haha " Sagot ko naman kay daddy.

"Ganun ba. Bilisan mo then kasi kanina pa nag-aantay yung sundo mo?" Sabi naman ni mommy.

"Sundo po?" Nagtaka ako kasi wala naman akong maalalang tinext ako ng mga pinsan ko na susunduin nila ako.

"Oo, kanina pa nga yun eh. Sige na, labas na!" Kahit may halong pagtataka eh lumabas parin ako at naabutan ko si Louis na nakasandal sa kotse nya.

"Teka! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Great! Kung alam ko lang na ikaw yung ipapasundo ni Dj sakin eh di sana umayaw nalang ako. Psh! Sabi nya chix, tangna AMAZONA naman pala!" Binubulong nya pero naririnig ko naman.

"E gago ka pala eh. Alam mo namang bahay namin to tapos rereklareklamo ka jan! Pwede ka namang umalis kanina diba? Psh -.- Jan ka na nga!" Tapos nagsimula na akong maglakad pero hindi pa ako nakakalayo eh nakaladkad na naman ako.

"Hoy, ano ba! Bitiwan mo nga ako! May pupuntahan pa ako eh! Aish!" Pero parang hindi nya ako naririnig kasi kasi pinilit nya parin akong ipasok sa kotse nya.

"Aarte ka pa? Nag antay ako ng halos isang oras tapos di ka pala sasabay sakin! Gaguhan to, ganon? Psh" Sabi nya pagkapasok palang sa kotse kaya tinigna ko sya ng masaya.

"Bakit sinabi ko bang antayin mo ako ha?" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"E sa gusto kitang antayin eh! May magagawa ka ba? Psh!" Sagot nya na nakapagpatahimik sakin.

Buong byahe papuntang mall eh hindi ko na sya kinausap kahit napapansin ko yung paglingon nya sakin.

Nang makarating kami eh dali-dali akong bumaba ng kotse at nagsimulang maglakad pero nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at kinaladkad papasok.

"H-hoy! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya na hindi nya pinansin.

Patuloy lang sya sa pagkaladkad sakin ng masalubong namin si Lei.

Napansin nya agad kami at agad nyang binalingan yung mga kamay namin na magkahawak kaya pinilit kong tanggalin to.

"A-ah! L-lei! Nandito ka din? T-teka, sinong kasama mo." Halos hindi ko na maayos yung pagsasalita ko kasi nakatingin parin sya sa mga kamay namin kahit hindi na ito magkahawak.

"Huy, Lei!" Sigaw ko para bumaling sya sakin.

"A-ah! K-kasi t-tinext ako ni Angel eh. Magkikikita kita daw tayo. M-may sasabihin daw sila. I guess, dun din punta nyo so tara na!" Mahabang paliwanag nya pero pansin kong parang umiwas sya samin.

Nauna na syang maglakad after nyang balingan si Louis na tahimik lang na nakakatitig sa kanya kaya naman hinabol ko si Lei at kumapit ako sa braso nya para mabawasan yung tensyon.

Napatingin naman sya sakin at nagsmile.

This is bad! Alam kong may gusto din si Lei kay Louis. Kailangan ko na talagang iwasan tong lalakeng to. Ayokong masaktan si Lei. Masyado syang importante sakin kaya kakalimutan ko tong kabaliwan ko sa lalakeng yun. Hay!

Kaya ko to. Ako si Ailee Denice eh! Hwaiting!!

---
Please pansinin nyo ako guys! Please! Haha!

Pabasa at paVote din po! Salamat! ☺

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon