33

1.3K 29 0
                                    

Thirty-three

Sobrang sakit yung naramdaman ko nung sinabi nya yun. Gustong gusto kong ilaban yung nararamdaman ko pero tangina lang! Pano ko gagawin yun kung sya na mismo yung nagsabing itigil ko na ito.

Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto. Mabuti nalang at hindi nagtatanong si mommy. Alam nyang hindi ko din naman sya papansinin.

Wednesday na nung pumasok ako.

Sinalubong agad ako ni Lei.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong nya sa akin. Sinagot ko naman sya pero hindi ako tumigil.

"Tinamad lang ako." Sagot ko.

Ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Denice na alam kong kanina pa nakatingin sakin.

Umupo ako sa pinakadulong upuan. Ganito ako nung hindi ko pa sya nakilala. Ganitong ganito ako nuon.

Nagdesisyon akong iwasan sya. Yun yung gusto nya so wala akong magagawa kundi sundin yun.


Nung maglunch break ay sabay sabay kaming pumunta sa canteen para mag-usap about dun sa pagpunta namin sa Cagayan.

Sa Thursday na kasi yon kaya kailangan na naming ifinalize lahat.

Tumatango lang ako sa mga sinasabi nila. Pero kahit isang tingin kay Denice ay hindi ko ginawa.

Nagulat ako nang may first year student na lumapit sakin.

"Kuya, pwede po bang makuha yung number nyo? Pinapakuha po nung ate dun oh." Tapos may tinuro syang babae.

Pamilyar yung babae pero hindi ko maalala kung saan ko nga ba sya nakita.

Nginitian ko yung mga bata.

"Sabihin nyo sa kanya na kung gusto nyang kunin yung number ko, lapitan nya ako." Tapos ngumisi ako at umalis na yung dalawa.

Nakita kong sinabi nung mga bata dun sa babae yun at lumapit naman yung babae sa amin.


Unti unti kong nakilala yung babae at nakita kong si Jessica pala ito.


"I didn't know na masyado ka palang demanding and kailan ka pa natutong magpabebe?" Tinaasan nya ako ng kilay at tumingin sa mga taong kasama ko.


Si Jessica ay kababata ko rin. Actually, kaming tatlo nila Lei at close na close silang dalawa nyan.


"O my gosh! Jess! Is that you?" Jess just rolled her eyes.


"Whatevs Lei! You saw me yesterday." Tapos tumawa pa ito at niyakap si Lei at binalingan ako.


"Hoy, Kentot! Hindi mo man lang ba ako ipapakilala?" Duon ko lang naisip na di ko pa pala pinapakilala to.

Jessica is my cousin. Tumingin muna ako isa isa sa kanila pero nang makita kong tinitigan sya ni Denice at parang nasasaktan sya ay hindi ko sinabi yung totoo.



"Sorry. Guys, this is Jessica." Pagpapakilala ko sa kanya.



"Kaano- ano mo sya?" Jacob asked. Tinignan naman sya ng masama ni Denice.


"She's a very special friend of mine." Tapos tinignan ko si Lei at kumindat ako.


Nakuha nya naman ata yun kaya ngumiti sya ng nakakaloko.

"What the-" Hindi na naituloy ni Jessica yung sasabihin nya dahil kinaladkad ko na sya.


Nagsisigaw sya at alam kong makukutusan na naman ako nito.


"Stop shouting cous! I'll explain everything later." Sa ngayon kailangan ko muna iuwi to.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon