Ten
Kinausap kami ni Dj about daw dun sa bagong tayong hotel ng tito nya sa father's side nya sa Tagaytay at tinatanong kung gusto naming sumama kasi tutugtog daw yung banda nila which is kabilang din pala si Louis.
At dahil sa next week pa yun at walang pasok sa Friday at Monday dahil meeting daw ng mga Professors eh pumayag na kami.
Pinakiusapan din nila akong kumanta at pagkatapos ng napakaraming seremonyas e napapayag din nila ako. Mabuti nalang at isang kanta lang kaya hindi na ako mahahassle makipractice.
Habang nagkukwentuhan kami eh napansin ko yung paninitig ni Louis sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay at binigyan ng "what-are-you-looking-at-look". Umiling lang sya at nagsmile. Kaya naman binaling ko nalang yung atensyon ko sa mga pinsan kong nagkukwentuhan about sa trip nila sa Palawan ng mahagip ng paningin ko si Lei na nakatitig kay Louis.
Nang mapansin nyang may nakatitig sa kanya eh bigla syang bumaling sakin kaya nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya at binawi din nya agad yung titig nya.
Nagulat kami ng tumayo sya at nagpaalam na magsi-CR lang daw.
Nagpaalam din ako at sinundan ko sya. Hindi yun napansin ni Lei ng pumasok sya sa isang cubicle at narinig ko nalang ang mga hikbi nya.
Para akong nanghina nang marinig ko ito at napasandal nalang ako sa lababo.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas din sya at halatang gulat nang makita nya ako.
"K-kanina ka pa dito K?" Parang hirap na hirap syang magsalita.
"H-ha? a, h-hindi. Kapapasok ko lang din. Antagal mo kasi kaya sinundan na kita dito." Nagsmile lang sya ngunit halata mong pilit.
"H-hm, okay ka lang?" Pambasag ko sa katahimikan.
"Gusto ko siya, K. Gustong gusto ko siya." Alam ko na kung sino yung tinutukoy nya pero nagulat parin ako sa tono ng pagkakasabi nya. Halata mong nasasaktan sya.
"Ha? Sino?" Nagkunwari parin kahit alam na alam ko na kung sino yung gusto nya. Nagbabakasaling sana mali ako.
"Si Kent. Pero alam kong hindi ako eh." Sabi nya tapos tinignan nya ako sa mata. "Hindi ako yung gusto nya. K, gusto mo sya diba?"
Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata nya.
"H-ha? Ano ka ba Lei! Ako? Magkakagusto dun! There's no way na mangyayari yun. Haha" Pagsisinungaling ko at mabuti nalang nabiyayaan ako ng ganitong talent.
"Mabuti kung ganun. Atleast pala, mali ako." Nguminti muna sya. Alam kong may kasunod pa yung sasabihin nya kaya tumahimik muna ako.
"K, can you do me a favor?" Nagulat ako ng itanong nya ito sakin kaya naman tinignan ko sya.
"A-ano yun?" Kahit may idea na ako sa sasabihin nya eh nagkunwari parin ako.
"Pwede bang umiwas ka kay Kent. Please. Alam kong hindi sya iiwas sayo eh pero pwedeng ikaw nalang yung umiwas." Nagulat parin ako kahit alam ko na to pero naisip ko kung bakit kailangan ko syang iwasan e hindi naman nya ako gusto.
"Parang imposible yang gusto mo Lei. Partners kami lagi eh so mahihirapan akong umiwas." Ito nalang yung nasabi ko.
Tumango sya at yumuko.
"Okay lang naman pag school matters yung pag-uusapan nyo eh pero kung hindi naman, pwede bang iwasan mo nalang. Wag mo nalang pansinin yung mga pang-aasar nya. Please." Tapos nabasag na yung boses nya at umiyak sya sa harap ko.
Gustuhin ko mang tumanggi pero nahihirapan ako. Nahihirapan akong tignang umiiyak tong kaibigan ko.
I took a deep breath and uttered those words na alam kong tatapos sa pantasya ko.
"Okay. Iiwas ako!"
Tumingala sya then I smiled to give her assurance.
Ewan ko kung para sa kanya talaga yun o para sa akin. Pero, eto yung tama eh.
Alam kong masasaktan lang din ako kaya igigive up ko nalang din sya.
Bumalik kami sa table namin na parang walang nangyari. Tinanong nila kami kung bakit antagal namin kaya nagsinungaling nalang kami.
Umupo ako sa tabi ng pinsan kong si Angel kung saan nakaupo kanina si Lei para sya yung sa tabi ni Louis at napansin ko ang paninitig nya sakin pero binalewala ko nalang at sumali sa kwentuhan ng mga pinsan ko.
I hope I made the right choice. I hope I won't regret this. Hay!
--
Fast update...Salamat sa mga magbabasa, nagbabasa at nagbasa na neto.
Please, pavote din po at pafollow. Kamsa ❤
-EXOBaekhyun_04
BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
RandomAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...