Eleven
Mabilis lumipas ang mga araw. Mag-iisang linggo na pa simula nung pag-uusap namin ni Lei at mag-iisang linggo ko na ring iniiwasan si Louis.
Alam kong pasin nya yun pero hindi sya nagtatanong kung bakit at nagpapasalamat ako duon.
Friday ngayon at papunta na kaming Tagaytay. Andami naming pupunta kaya kanya-kanyang dala nalang daw ng kotse. At dahil sa hindi ako pinayagan ni daddy na mag-dala eh makikiangkas nalang kay Dej kasi yun ang bilin ni daddy eh.
Sa Mall nalang daw ulit kami magkita at tinext ako ni Christine, isa sa mga pinsan ko na pumunta na daw ako dun.
Dali-dali akong nagpaalam kina mommy pero nag-insist silang ihatid nalang ako sa mall kaya pumayag na ako.
Pagkarating ko dun ay halos kompleto na except kay Louis at Lei. Siguro magkasama sila.
"O, ayan na pala si Kent eh." Narinig kong sigaw ni Jeff, isa sa mga bandmates ni Dej.
"Tara na." Yaya nya at napansin ko din agad si Lei na nasa backseat ng kotse nya.
Nagsitanguan kami at kanya-kanyang punta na sa mga kotse nila. Naglakad ako papunta sa kotse ni Dej kaso pinigilan nya ako bigla.
"Ai, dun ka na kay Louis sumakay. Kasi nasa kotse ko yung mga instruments eh. Tapos si Tintin sa tabi ko." Paliwanag nya. Tinignan ko sya ng masama at magsasalita na sana ako ng may biglang kumaladkad sakin.
"Okay lang Dej, sa kotse ko nalang tong si Ai." Sigaw ni Jeff kay Dej na ikinagulat ko.
Napansin ko ang pagbaba ni Louis sa kotse nya at pag-igting ng panga nya nang makita nya yung mga kamay namin ni Jeff na magkahawak.
Okay, what was that?
Nagpakaladkad nalang ako kay
Jeff at pinaupo nya ako sa tabi nya. Sya na yung nag-ayos ng mga gamit ko.Hindi pa nakakapasok si Jeff eh bigla nalang sumulpot si Louis sa harap nya.
"Sa akin sya sasakay!" Mahinahon pero halata mong may galit sa pagkakasabi nya nito.
"Ha? E dito nalang. Wala naman akong sakay eh tsaka nandun na si Lei." Inosenteng paliwanag ni Jeff.
Magsasalita pa sana sya ng dali-dali akong bumaba para pigilan sya.
Napatingin sila sa akin at kakaladkarin na sana ako ni Louis pero tinignan ko sya gamit yung tingin na binigay nya sa akin nung first time na magtama yung mga mata namin. I stared on him coldly.
"Dito na ako kay Jeff sasakay." At pagkasabi ko nun, pumasok na ulit ako sa kotse.
Nakita ko nalang na naglakad na sya palayo.
Pumasok na rin si Jeff at umalis na din kami agad.
"May ano, hm! Anong meron sa inyo ni Kent, Ai?" Pambasag nya sa kanina pang katahimikan.
"Wala naman." Matipid kong sagot. Napansin nya atang ayokong makipag-usap kaya tumango nalang sya.
Buong byahe ay tahimik kami.
Ano ba talagang gusto mo Louis? Gulong-gulo na ako sayo eh!
Iniisip ko lamang yan at hindi ko namalayan na nakatulg na pala ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
---
Lame...Please read, vote and follow me po.
Kamsa ❤
-EXOBaekhyun_04
BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
РазноеAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...