37

1.4K 29 0
                                    

Thirty-seven

Hatinggabi na nang makarating kami at halos hindi na namin napansin yung labas ng bahay nila Rio.

Pagkarating ko sa kwarto na pinagamit ni Rio ay nakita ko si Jacob at Jasper dun. Delekado ata ako dito.

Pero iwinaksi ko muna dahil sa pagod ko at dahil narin hindi ako makatulog ng dahil sa sinabi Denice. Dammit! Naalala ko na naman.

Pinilit kong matulog at nagtagumpay naman ako.

Kinabukasan ay late kaming lahat nagising kaya nagpasya kaming wag munang pumunta sa Baggao. Bukas nalang para mas maaga at hindi na kami pagod.


Nagdesisyon silang pumunta sa pinakasyudad ng lalawigan ng Cagayan. Ang Tuguegarao.

Marami ring magagandang pasyalan duon pero ang St. Peter Cathedral na isa sa mga magagandang simbahan ng lalawigan ang pinakana appreciate ko.

Nakita din namin ang St. Paul de Chartes at ang Ermita de San Jacinto. Nagkaroon din kami ng pagkakataong tignan ang Callao Cave sa Penablanca at masasabi kong maganda ito at maipagmamalaki ito nang lalawigan.

Nang pauwi na kami ay dumaan kami sa Calvary Hills.

Andaming magagandang spots dito sa Cagayan.


Pagkarating namin kina Rio ay nagkatuwaan muna kami. Ang magaling kong pinsan ay nagsimula nang mangulit.

Nag-iinuman kasi kami at gusto daw sumali.

"Kentot, sige na!" Pagpupumilit nya.

"No! You're mom will kill me! At isama mo pa si mommy!" Giit ko.

"Hindi naman nila malalaman eh. At hindi mnw naman siguro ako isusumbong kay tita diba. You know, your mom loves me more than she loves you." Pang asar nya sakin.

Napansin ko yung titig ni Denice kaya naman imbes na umangal ay nginitian ko si Jess.

"Oo na Jess, mas mahal ka na ng mommy ko. Pero hindi ibig sabihin nun na pwede kang uminom. That's final." Sabi ko.

"But-" Agad ko syang pinutol.

"No more BUTS for you Jessica Kwon." Ngumuso lang sya at biglang tumawa si Lei.


"Why are you laughing?" Sabay na tanong namin ni Jess kaya nagkatinginan pa kami.


"Nothing. Haha. You're just to sweet." Pagkasabi nya nun ay kumindat pa sya. Ngumiti naman ako at inakbayan ang pinsan ko.


They might be thinking na may something sa amin ni Jess and I can't wait to see their reactions when they'll find out that we're actually cousins. Haha!

Biglang tumayo si Denice at nag excuse na matutulog na daw sya.

Kating kati na akong habulin sya pero hindi ko ginawa dahil baka mabulilyaso lang yung plano ko.


Knowing Denice. Hindi nya sasabihin yung tunay nyang nararamdaman hanggang sa mapuno na sya. Kilalang kilala ko na sya pero bakit parang hindi ko parin sya makuha kahit alam kong mahal nya ako. Tss.

After naming mag inuman ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming kwarto at natulog na dahil maaga kami bukas.


Gusto kong maging masaya kasi alam kong nagseselos sya pero nasasaktan din ako kasi alam kong nasasaktan ko sya. Dammit Denice! You're driving me crazy!

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon