28

1.3K 25 0
                                    

Twenty-eight

It's been 5 months. Isang bwan nalang, babalik na kami sa Pilipinas and I miss her so bad.


Sa loob ng limang bwan, madami ng nagbago pero ganun parin yung nararamdaman ko sa kanya.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, gumawa ako ng Facebook account pero pinalitan ko yung pangalan. Daig ko pa ang stalker kasi lagi akong tumatambay sa wall nya.



Andami kong nakitang post nya na nagpapakitang masaya na sya. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging masaya dahil sya yung kasiyahan ko eh.



Dumating pa sa point na binigyan kami ng 1 week vacation. Imbes na umuwi ako sa Pilipinas eh nagpabook ako ng flight papuntang Korea.


Gustong gusto ko syang makita at ewan ko kung kakayanin ko pang pigilan yung sarili kong lapitan sya.



Nang makita ko sya, kating kati na akong lumapit pero pinigilan ko yung sarili ko kasi ayokong iwasan nya ako. Okay na ako na nakikita ko sya.



I saw how she party every night. I saw how he danced with other boys. Hindi ko alam kung paano ko napigilan yung sarili ko. Inisip ko nalang na kasalanan ko to at kailangan kong tiisin lahat ng sakit na nararamdaman ko.



Nung huling araw ko na sa Korea, nagpasya akong magpakita sa kanya but when I'm about to go near her, may lumapit sa kanyang lalaki. Hindi ko sya kilala pero alam kong kaDepartment ko sya.



Nag-usap sila tapos nagyakapan at pagkatapos umalis na din yung lalaki. Sobrang sakit yung naramdaman ko at nung lapitan ko sya, tintigan nya lang ako at umalis na.


I was left there with my mouth open. She acted as if I was a stranger to her at mas doble yung sakit nun.


Bumalik ako sa Singapore na dala yung sakit na nararamdaman ko.



I tried to forget what happened and concentrated on my work pero mahirap. Ang hirap magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman.



Gustong gusto ko na syang yakapin. Gustong gusto ko na syang halikan pero hindi ko magawa kasi iniiwasan nya ako at ang sakit nun.



Mabilis lumipas ang araw. Nakauwi na kami dito sa Pilipinas at next week ay papasok na din kami para sa last sem namin bago grumaduate.


Alam kong nakauwi na din siya dito at anytime makikita ko na sya.



Nagtext sila Dj na magparty daw kami sa isang bagong bukas na bar. Tinanong ko kung pupunta si Denice. He answered yes kaya mas dumoble yung kaba na nararamdaman ko. Magkikita na kami.



Nagtext ulit si Dj at sinabing nandun na daw sila. Kanina pa ako nandito sa bar na tinutukoy nila pero hindi muna ako pumasok.



Pagkapasok ko, namataan ko na agad sila. She's not yet here. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Nandito si Lei. Ofcourse, Dj's here so as Lei.


Nagulat ako nang dumating na yung kanina ko pa hinihintay but she's not alone. She's with that guy na nakita ko sa Korea.



Tinignan nya isa isa yung mga nandito sa table. Hindi man lang nagtagal yung tingin nya sakin. She's smiling and God knows how much I missed those smile.



"Sorry, I'm late. By the way, this is Jacob." Tumayo sila para magpakilala, so am I.

"Kent." Hindi na nagsalita yung Jacob.



"So, is he your boyfriend?" I bitterly asked Denice.

She smiled.


"Not yet." And those words broke my heart for I don't know how many times now.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon