26

1.3K 23 0
                                    

Twenty-six

Kent Louis Mendoza

Two years ago, may nakilala akong babae na unang kita mo palang eh alam mong mataray na.

Pero nagulat ako nang bigla nalang syang humagulgol. Lalapitan ko na sana sya pero bigla nalang syang sumigaw na parang baliw.

Napangiti ako at alam ko na na simula nung araw na yon, gusto ko na syang makita lagi.

Lagi ko syang sinusundan. Parehas si Lei ng school at nalaman ko na magkaibigan sila.

Lei is my childhood friend at alam kong mapagkakatiwalaan ko sya. Sinabi ko na kung pwede, alamin nya lahat ng about kay Denice.

Pero napansin ko na puro masasamang traits lang yung sinasabi nya so I decided to transfer in their school. Mabuti nalang at parehong curriculum ang gamit namin so hindi ako behind.

Pangit yung naging first impression nya sa akin kaya naman sinikap kong umayos pero umiiwas sya kaya inaasar ko lang sya.

Nung nagpunta kaming Tagaytay, alam ko iniiwasan nya ako. But I did everything to get her.

Two years ko syang pinagngarap at ngayong abot kamay ko na sya eh gagawin ko ang lahat mahalin nya lang din ako.

Ang saya ko nang tumugon sya sa mga halik ko. Kahit hindi nya sabihing mahal nya ako ay ramdam ko yun.

Nung makita ko sila ni Lei na pumuntang cr, alam kong may hindi magandang mangyayari so I followed them. Hindi ako pumasok pero pinapakiramdam ko yung mga nangyayari sa loob. Nagulat ako nang nagsisigaw si Lei. I've heard everything she said.

Nung tinalikuran nya ako ay kinabahan agad ako. I can't lose her now. Pinuntahan ko sya and tried to explain everything pero alam kong hindi sya makikinig I let her be.

Isang araw ko syang hindi nakita at nagulat ako nung magtext sya sakin.

Wife:

Meet me at 9 in the morning tomorrow. I have to tell you something. Sa may park tayo.

Excited ako nuon pero hindi ko na sya natawagan kasi pumunta si Lei sa bahay. I can't just pushed her away kasi may pinagsamahan din kami.

Kinaumagahan, pumunta ako sa may park pero nagulat ako nang si Lei ang nandun.

"What are you doing here? Where's Denice?" Tanong ko sa kanya.

"It's okay to tell me that you love me now Kent. She's not here." Sagot nya na agad nakapag painit ng ulo ko.

"What do you want to hear Lei! Ikaw yung mahal ko. Ikaw lang! Pinaglalaruan ko lang si Denice. At kahit kailan, hinding hindi ko sya mamahalin kasi ikaw lang yung mahal ko! Is-" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi bigla nya akong hinalikan.

I pushed her away.

"Stop it Lei! Kung yun yung gusto mong marinig pwes wag ka nang umasa. I love Denice! Sya lang!" She smiled bitterly and I saw pain all over her face.

"It's okay. If I can't have you, then I won't let Denice have you. I'm selfish, Kent. You knew that." And with those words, she turned her back on me and left.

I waited for Denice. But she didn't appear.

I received a text from Dj. Pinapapunta na nya sa ako sa bar. I know na nandun si Denice.

Nakita ko sya dancefloor at agad nag-init ang ulo ko kaya kinaladkad ko sya.

I didn't know na yun na din pala yung araw na mawawala sya sa akin. But I can't lose her.

Naglasing ako kasama ang mga pinsan nyang si Dj at Rio. I told them everything.

Gagawin ko ang lahat maibalik lang si Denice sa akin. I love her so much that I can't even imagine myself with other girls. I have to get her back. Kahit gaano pa kahirap, babawiin ko sya.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pero ang huling naalala ko eh nasa harap ako ng bahay nila. I wanted to see her pero hindi siya lumabas and then I passed out.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon