Twenty-three
Pagkatapos kong ipakilala si Louis sa mga magulang eh ginawa na nyang tambayan ang bahay namin. Okay lang naman sakin kasi tinatamad akong gumala.
Habang nakatambay kami sa bahay eh nagtext si Tin samin na magkitakita daw kami at dahil sa ilang araw nalang eh aalis na kami para sa OJT ay pumayag na kami.
Magkikita nalang daw kami sa condo ng kambal tsaka kami didiretso sa isang bar na magbubukas daw mamaya.
Papunta na kami ni Louis kina Rio nang itinigil nya bigla yung kotse at tumingin sa akin.
"Why did we stop?" Tanong ko nang hindi nya parin pinapaandar yung sasakyan.
"You're not going to taste even a single drop of liquor." May diin nyang sabi sakin.
"Yeah right Louis, party yung pupuntahan natin and for pete's sake, it's a bar. What do you expect me to drink? Milk?" Ngumiti sya at pinagpatuloy na yung pagdadrive.
"Most probably." Sabi nya kaya umirap ako at hindi na sya pinansin.
Hanggang sa makarating kami kina Rio e hindi ko parin pinapansin si Louis.
Nang mapansin nya ito eh lumapit sya agad sa akin at tinitigan ako. Bumuntong hininga sya at saka nagsalita.
"Fine, you can drink. Pero konti lang." Tinitigan ko sya at nagsmile tapos ipinulupot ko yung kamay ko sa kanya.
How I wish ganito nalang kami palagi. Sana wala nang conflicts. Hay!
Pagkarating namin sa bar, nagsimula ng magparty ang pinsan ko. Para silang mga baliw na nagsisisigaw sa may dance floor.
Tinatawanan ko lang sila.
Niyaya ako ni Lei papuntang cr ng umalis si Louis sa tabi ko. Tumango lang ako at umalis na kami agad.
Pagkapasok namin sa cr e nagulat ako ng ilock nya yung pinto.
"Why did you lock the door? Magpapalit ka ba?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
Humarap sya sa akin then I saw anger written all over her face.
"Oo Ailee. Magpapalit ako. Gusto ko lang ipakita sayo yung ugali ko. Baka sakaling magandahan ka." Then she smiled bitterly
Bigla akong kinabahan. Kaming dalawa lang ngayon dito sa CR at nakalock pa yung pinto.
"What do you mean, Lei? Halika na nga. Labas na tayo." Tapos maglalakad na sana ako palayo pero tinulak nya ako kaya napaupo ako sa sahig.
Tinignan ko sya ng may halong pagtataka.
"I hate you! Sa tingin mo ba okay na ako? I'm not! And I hate you. Do you think Kent really loves you? Haha. That's insane. He will never love you because he loves me!" May diin sa bawat salita nya.
"O, that's why he never chose you." May halong sarcasm yung pagkasabi ko nun kaya naman sa sobrang galit nya eh sinampal nya.
Kahit wala na yung kamay nya pisngi ko e ramdam ko parin yung sakit nung sampal nya.
Damn this girl.
"Wag kang mag-assume na gusto ka nya, Ai. This is all just a game. And we're just using you. So, wag ka nang umasa." Pinipigilan ko yung luha ko sa pagtulo.
I smiled bitterly. Ayokong pagdudahan si Louis pero hindi ko magawa kasi alam kong close sila ni Lei eh.
Tinitigan ko muna si Lei and smiled.
"I never knew that you're a two-faced bitch. And I even let you enter my life. So sad. I've been friends with a monster who looks like an angel." Tapos tatalikuran ko na sana sya ng hilain nya ulit yung kamay ko.
"I'm not yet d-" Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Sinampal ko na sya. I heard knocks on the door but I ignored it.
"That's for slapping me a while a back." Tapos tinulak ko sya at napasandal sya sa pader at napaupo nang dahil sa lakas ng tulak ko sa kanya.
Nasa ganung posisyon sya nang bumukas yung pinto at nagulat ako na si Louis yung nandun.
"What's happening here?" Tanong nya tapos bigla nalang humagulgol sa iyak si Lei duon.
"I'm just talking to her tapos bigla nalang nya akong tinulak." I just rolled my eyes. Two-faced bitch.
"Denice?" Binalingan ako ni Louis habang pinapatigil sya si Lei sa pag iyak.
And for the nth time, I rolled my eyes and turn my back on them.
"Whatever. I'd rather go home then to watch your drama." Tapos nagsimula na akong maglakad palabas.
I heard him call my name pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglabas and slammed the door.
As soon as I reached the exit of the bar, bumuhos na yung luha ko.
Hanggang sa makauwi ako eh umiiyak parin ako.
I hate Lei for being a two-faced bitch. I hate Louis for not following me. And I hate myself for giving Lei a second chance to betray me. I hate myself for trusting her.
I fell asleep with my eyes full of tears and a knife stabbed on my chest. This is more painful then to experience death, I guess.
BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
RastgeleAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...