Seven
Hindi muna ako umalis sa field. Hinintay ko munang kumonti yung mga tao sa department namin at hinintay ko munang humupa yung paghuhuramentado ng puso ko.
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko at ayoko nito. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging hindi sigurado sa mga iniisip ko at dahil lamang ito sa iisang lalaki. Nakakainis na baklang yun! Psh -.-
Nang makita kong konti nalang ang tao at ng maramdaman kong hindi na masyadong kumakalabog yung puso ko eh nagdesisyon na din akong umalis.
Habang naglalakad ako ay bigla akong napadaan sa isang room. Ang nakakapagtaka eh wala namang pasok ngayon pero parang nakabukas yung AC kaya nagdesisyon akong pumasok at laking gulat ko ng makita ko si Lei at Louis na parang may pinag-uusapan. Hindi nila ako napansin kaya nagtago ako dun sa likod ng pinto at nakinig.
"Kent naman! Dalawang taon na yung nakakalipas! Hindi mo parin sya nakakalimutan! Ano to! Nagtransfer ka dito para makita sya! Ha? Akala ko ba-" Rinig kong sabi ni Lei
"Shut up! Wala kang alam! Oo, hanggang ngayon sya parin yung mahal ko and there's no way to hell na may magugustuhan akong iba! No one will ever replace her! Not even you. " Sigaw pabalik ni Louis.
Nang mapansin kong paalis na si Louis e dali dali akong tumakbo palayo dun. Palayo sa maga narinig ko. Palayo sa katotohanang kahit kailan, hindi nya magugustuhan ang sinuman dahil may mahal na syang iba.
Tumakbo ako ng tumakbo at napadpad nalang ako sa isang park na malapit sa school. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Mabuti nalang at hindi pa nya alam yung nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako dun.
Nang mga alas singko na e nagdesisyon akong umuwi na. Iiwasan ko na sya. Kakalimutan kong ginusto ko sya.
Hindi ko alam kung paano ko pa sya haharapin pero sisiguraduhin kong makakalimutan ko yung nararamdaman ko sa kanya.
Naglalakad na ako pauwi ng makasalubong ko si Louis. Damn it! Ngayon pa talaga! Tadhana naman eh! Iiwas nga ako diba. Iiwasan ko nga itong lalakeng to diba? E bakit to! Bakit nasa harap ko sya. Aish!
"Bakit nandito ka pa? Kanina ka pa umalis diba?" Tanong nya sakin habang titig na titig sya akin na parang sinusuri nya kung anong iniisip ko.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at huminga ng malalim tapos ibinalik ko yung tingin ko sa kanya.
"A-ah, galing kasi ako sa bahay ng kaibigan ko. Eh ikaw, bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko sya magawang tignan ng diretso kasi natatakot akong makita nya yung tunay kong nararamdaman.
"Wala. Teka umiiwas ka ba?" Tanong nya.
"H-ha! Hindi. Sige uuwi, na ako." Sagot ko at dali-dali akong tumakbo paalis.Kanina pa ako tumatakbo pero parang hindi ko ramdam yung pagod ko.
Nagulat ako nung nasa likod ko pala sya at sinundan ako.
"Ows! Hindi talaga? E bat ka tumakbo?" Tanong nyang may kasamang nakakalokong ngiti.
"Pwede ba! Pagod lang ako kaya tigil tiilan mo akong bakla ka! Aish" Naiirita kong sagot sa kanya at nagsimula na akong maglakad.
"Yan! Welcome back sa Denice na kilala ko. Tara na nga ihahatid na kita!" Tapos kinaladkad na nya ako paalis.
Hindi ko alam pero hinila ko pabalik yung kamay ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.
Wala kaming imik na dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
"Hm, salamat sa paghatid. Mag-ingat ka pauwi bakla! Baka marape ka. Pero gustong gusto mo naman yung diba?" Nag-smile ako tapos nagwave at pumasok na.
Pero bago ako pumasok, nilingon ko muna sya at nakita kong nakasmile sya pero agad ding tumalikod ng makitang nakakatitig ako.
"Pumasok ka na! Wag kang mag-alala, hindi ako magagahasa! Good Night Denice..." At naglakad na sya palayo.
Nung gabing yun, hindi ako masyadong nakatulog dahil hindi ko makalimutan yung smile nya kanina.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at ang huling naaalala ko ay iniisip ko sya at alam kong nakasmile akong natulog.
--
Ang sipag kong mag-update kahit wala pang nagbabasa! Haha!Magpapasalamat parin ako sa mga magbabasa nito. ☺ Saranghaeyo chingus! ☺
-EXOBaekhyun_04
BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
RandomAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...