25

1.3K 23 0
                                    

Twenty-five

Kinaumagahan, maaga na akong nagising kasi maaga naman akong nakatulog kagabi.

Tinignan ko kung may nagtext sa phone ko at napangiti ako ng may tatlong text si Louis duon.

Louis ❤:

Tulog ka na? Goodnight. Iloveyou.

--

Baby, I miss you and I can't wait to see you again

--
Meet me tomorrow sa may park malapit sa inyo. 10:00 in the morning. :)

Pagkabasa ko sa last text nya eh dumiretso na ako sa banyo.

Naligo ako agad agad at nagpalit para mauna akong makarating sa park na tinutukoy nya.

Pagkarating ko sa park eh nagulat ako ng makitang andun na sya at ang mas nakakagulat eh nandun din si Lei.

Medyo malayo yung pwesto ko kaya lumapit ako para marinig yung pinag-uusapan nila.

"What do you want to hear Lei! Ikaw yung mahal ko. Ikaw lang! Pinaglalaruan ko lang si Denice. At kahit kailan, hinding hindi ko sya mamahalin kasi ikaw lang yung mahal ko! Is-" Hindi na natuloy ni Louis yung sinasabi nya kasi hinalikan na sya ni Lei.

Tumalikod na ako at nagdesisyong umuwi.

Pagkarating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Duon iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Iniyak yung buong frustrations ko at sisiguraduhin ko na ito na yung huling pagkakataon na iiyakan ko yung lalakeng yun.

Sa loob na bwan na magistay ako sa Korea, sisiguraduhin kong makakalimutan ko sya.

I hate them. And if this is a game for them, then I should consider this as a game too.

Nung maghapon na eh nag-ayos na ako para sa party mamaya.

Nagsuot ako ng isang fitted na dress na 5 inches above the knee.

Nag make up din ako para maitago yung pamamaga ng mata ko.

I will party hard tonight and I will make sure na makakalimutan ko pansamantala yung sakit na dinulot nila sa akin.

Pagkarating ko sa bar ay nandun na ang mga pinsan ko.

"Woooh! Welcome back sa Ailee'ng kilala ko!" Sigaw ni Dj. Mukhang kanina pa tong mga to.

Inabutan nila ako ng isang beer na agad kong nilaklak. Ramdam na ramdam ko ang pait ng alak na parang nanatili sa bibig ko. Pero hindi ito ang titigil sa akin ngayon.

Nakaka apat na bote na ako at 5 shots ng tequilla. Niyaya ako ni Jeff na sumayaw kaya pumayag ako.

Ineenjoy ko yung music at kulang nalang magdirty dance din ako dito kasi halos lahat sila yun na yung ginagawa nila.

Magsisimula na sana ako ng may biglang humila sa akin at kinaladkad papuntang parking lot ng bar.

"What the hell! Let go of me!" Sigaw ko kasi hindi ko pa nakikita kung sino yung nanghila sa akin.

Nang humarap ito ay bumalik ulit sa akin yung sakit ng mga narinig ko kanina. Binawi ko yung kamay ko at tinalikuran ko sya.

"What the hell are you doing there Denice? Dancing like a flirt! And you didn't even meet me. Ano to?" I saw anger in his face. But I didn't mind. Kasi kung galit sya, mas galit ako sa kanya.

"Why do you care? Sino ka ba? You don't have a say on what I do." May diing sabi ko sa kanya. Nagulat sya sa inasta kaya naman ngumiti ako nang mapait.

"I do have a say on what you do! Damn it Denice. I am so inlove with you." I smirked and looked at him straightly.

"Well, that's your problem not mine." Tapos tumalikod na ako.

Pinigilan nya ako at iniharap nya sa kanya. Kitang kita ko yung sakit sa mga mata nya maniniwala na sana ako but those are deceiving. They can deceive the shit out of me.

"You love me, right?" Nabasag yung boses nya kaya tumawa ako!

"Do I? Did I ever told you that I love you? Hindi, di ba. So don't ever think that in this game, ako yung talo. Cause I will never let that happen." And with that, I turned my back on him at bumalik sa loob.

Bukas na bukas din, kakalimutan ko na sya ng tuluyan pero sa ngayon, dadamhin ko muna yung sakit nitong nangyari.

I hate him and I won't regret even a single word that I said a while ago.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon