14

1.8K 39 1
                                    

Fourteen

After nung gig eh umuwi na din kami agad. Hindi nga lang kami nagpapansinan ni Lei kahit nasa iisang sasakyan lang kami. Naiwan pa kasi sila Dej dun kaya dito nalang kami sa sasakyan nila Rio sumakay.

Tahimik lang ako buong byahe kahit na ang ingay ng mga kasama ko.

Pagkarating namin eh dumiretso na ako sa kwarto namin ni Christine. Since may gap sa amin ni Lei eh lumipat sya sa kwarto nila Angel.

I didn't mind. Kung patuloy nyang ipapakita yung ganyang ugali nya sa akin then iiwasan ko nalang sya. On the first place, wala syang karapatang magalit kasi hindi sila ni Louis.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako nang maramdaman ko may humalik sa noo ko kaya unti unti kong dinilat yung mga mata ko. Nakita si Louis sa gilid ng kama ko at hinahaplos yung buhok ko.

Kung hindi ko lang mahal to eh iisipin kong bakla sya at naiinggit sa buhok ko. Haha

"Hm, sorry nagising kita." Amoy na amoy ko yung alak nung sinabi nya yun.

"Kakauwi nyo lang?" Tanong ko naman at bumangon.

"Ako lang yung umuwi. Nandun pa sila Dj eh." Nagtaka naman ako kung bakit nauna syang umuwi pero hindi ko tinanong pa at tumango nalang ako.

"Damn it, baby. Wala pang isang araw na di kita nakita pero miss na miss na kita! Seriously, what did you do to me?" May halong frustration yung pagkakasabi nya nito but I find it cute kaya humalakhak ako.

"Now you're laughing at me. Seriously, Ailee Denice Mendoza?" Natawa naman ako nung yung last name nya yung dinugtong nya sa pangalan ko.

"Whatever, Louis. Matulog ka na! Gabi na." Tinitigan nya muna ako tapos tumango.

"Can I- can I kiss you?" Halata mong kinakabahan sya nung tinanong nya yun kaya imbes na sumagot ako eh hinalikan ko nalang sya.

Gulat na gulat sya sa ginawa ko at nung ilalayo ko na yung mukha ay hinila nya ulit ito at hinalikan.

Pareho kaming naghahabol ng hangin after nung halik. Ngumiti sya sa akin at ganun din yung ginawa ko.

"You sleep now. Lalabas na din ako. I love you." Tumango ako then he kissed my forehead before going out of the room.

"I love you too." Sinabi ko yun nang makalabas na sya ng kwarto.

Hirap na hirap na akong kunin ulit yung tulog ko kaya naman kinuha ko nalang yung phone ko at nagsearch ng mga Tourist spots ng Korea. Since kakailangin ko din naman yun.

"Wow! Dati nakikita ko lang ang Namsan Tower sa TV pero mapupuntahan ko na din sya! Daebak! And OMG, it is the highest point in Korea! At ano to, Cheongwadae? The official residence of the President of South Korea. My Gosh! Mapupuntahan ko din kaya to? Excited na ako!!! Pupuntahan ko rin ang SMEnt, JYP, YG at BigHit Ent! Kyaaaa!!" Hindi ko na namalayan na ang lakas na pala ng boses ko at nagulat nalang ako nang may mambato sakin ng unan.

"Takte Ai! Magpatulog ka naman. Alam kong excited ka na jan sa Korea na yan pero alas-tres palang ng madaling araw! Psh!" Mahabang litanya ni Tin at nagtalukbong na.

Humalakhak naman ako at ibinato ko sa kanya yung unan nya. Tinigil ko na rin yung ginagawa ko at pinilit makatulog.

And after how many minutes, nakatulog din ako.

--

Hello sa mga Kpoppers jan! Haha! Ramdam nyo ako? Haha

Please read, vote and follow po.
Komawo! Saranghaja! ❤❤

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon