30

1.4K 28 0
                                    

Thirty

Isang linggo na ang nakalipas simula nung pagkikita namin ni Denice. Lagi lagi ako sa bahay nila pero lagi lagi ding nandun yung lintik na Jacob na yun.



Gaya nalang ngayon, para akong third wheel habang naglalampungan yung dalawa.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya pumagitna ako sa kanila. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

Tinignan ko muna ng masama si Jacob bago ko binalingan si Denice. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan nya lang ako tumingin sa likod ko tapos bigla nalang syang tumawa kaya naman binalandra ko yung kamay ko sa mukha nya.



Galit na galit sya nung tinanggal nya yung kamay ko sa mukha nya at sinigawan ako. At dahil sa sanay na ako, hindi ko lang ito pinansin.



Tumayo sya pumunta sa kusina kaya binalingan ko si Jacob at nagulat ako nang anlapit ng mukha nya sa akin kaya naman tinulak ko ito.


"What the hell! Bakit anlapit ng mukha mo sakin?" Tanong ko at kung pwede ko lang suntukin to, ginawa ko na pero alam kong palalayasin ako ni Denice kaya kinontrol ko yung galit ko.



"A-ah, pasensya ka na p-pare. I-inaantok kasi a-ako eh." Gago ata to.

Lumayo ako sa kanya at sinundan ko si Denice. Gumagawa sya ng sandwich kaya naman tumabi ako sa kanya.


Tinignan nya lang ako at binalingan ulit yung ginagawa nya.



"Damn it! Mas gwapo ba yang sandwich kesa sakin?" Tanong ko nang hindi nya parin binabaling ang atensyon nya sakin.


Kumunot yung noo nya ng tinignan nya ako.


"Problema mo ba?" Tanong nya kaya inirapan ko sya.


Umirap din sya sa akin kaya naman hinawakan ko yung pisngi nya at hinalikan ko sya.


Tinulak nya ako agad at nakita kong galit na galit na sya sa akin.



"What the hell are you doing?" Sigaw nya sa akin pero hindi ako natinag.

"Told you, I will do everything. Pahirapan mo lang ako Denice. Sisiguraduhin kong magsasawa ka rin sa pagpapahirap at babalik ka rin sakin." Malumanay pero may diing sabi nya sa akin.


"Try me, Kent! I don't think you'll succeed on that. Because when I told you that I want you out of my life. I mean it. And I want it permanently." Pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya at umakyat sa kwarto nya.



Sobrang sakit nang mga binitiwan nyang salita pero ayoko. Ayokong tumigil. Hindi ko pa binibigay yung lahat lahat ko.


Sige lang Denice. Pahirapan mo lang ako. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak mo.



Pagkauwi sa bahay ay dumiretso ako sa may mini gym namin. May boxing ring kami na nakalagay doon at may punching bag kung saan nilabas ko lahat yung frustrations ko.


I need this. Kasi hindi ko na alam kung paano ko pa itatago yung sakit na nararamdaman ko kung hindi ko ito mailalabas. I love Denice so much. Kasalanan ko lahat ng to kaya kailangan ko syang paghirapan.



Sana lang, bumalik na sya sa akin. Kasi sobrang sabik na sabik na ako sa kanya at ang sakit sakit na pero kailangan kong tiisin lahat ng to.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon