15

1.7K 36 0
                                    

Fifteen

Dahil sa late na akong nakatulog eh nabigla nalang ako nang magtatatalon yung mga pinsan ko sa kama.

"Wake up, Ai!! Mamamasyal tayo ngayon!" Para silang sirang plaka kasi paulit ulit nilang sinisigaw yan.

"Go away, Tin! Inaantok pa ako!" Tapos nagtalukbong ako ng kumot para hindi na nila ako guluhin.

"Aba! Hiyang hiya ako sa tahimik mo kagabi. Gumising ka na kundi iiwan ka namin!" Tapos hinampas nya ako ng unan.

I just ignored her then papikit na naman yung mga mata ko ng hilain nila yung kumot tapos bigla nila akong sigawan. Take note, sa mismong tenga ko pa.

"WAKE UP!!!!" Sabay-sabay na sigaw ni Angel, Tin at Ria.

"Fine!!" Sa sobrang inis ko eh pinaghahampas ko sila ng unan. O great! Bakit ba nabibiyayaan ng ganitong mga pinsan.

Dali-dali akong naligo kasi ako nalang daw yung inaantay. Paspasang pag-aayos din ang ginawa ko.

Lumabas na din ako agad at nagpasya kaming umalis din.

May pinahiram na van yung tito ni Dej kaya magkakasama kami pero hindi kami tabi ni Louis kasi biglang sumingit si Lei nung papasok na kami sa sasakyan kaya naman sa likod nila ako naupo tapos tinabihan naman ako ni Jeff.

Tinignan ko sya at ngumiti ako. Mejo malayo daw yung pupuntahan namin kaya natulog muna ako.

Nagulat nalang ako nang tinapik ni Jeff yung pisngi ko at sinabing malapit na daw kami.

Umayos ako ng upo at napansin ko ang pagtitig ni Louis sakin. Sinimangutan ko sya at nakita kong sumimangot din sya.

Nang makarating kami ay dali dali akong bumaba. Tutulungan sana ako ni Jeff ng hinablot ni Louis yung kamay ko at kinaladkad.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Lei at ang pagtataka naman sa mga mata ni Jeff.

Inirapan ko si Lei at nagpakaladkad nalang ako kay Louis.

Andami naming pinuntahan at sobrang nag-enjoy ako. Yun nga lang etong kasama ko eh kanina pa nakasimangot.

"Bat kasi kailangan pang nakashort eh!" Inirapan ko sya.

"E anong gusto mo? Mag-gown ako dito o mag-bikini?" Tapos iniripan ko sya at aba inirapan din ako.

"Try mo lang! Gagahasahin talaga kita kahit nasa harap ka ng mga pinsan mo!" Seryosong sagot nya kaya napatahimik nalang ako.

Nauna akong naglakad kasi bigla akong nahiya sa mga sinabi nya.

Napansin nya naman yun kaya binilisan nya ang lakad at bigla akong inakbayan ako.

"Did I offend you? I'm sorry, baby." Tapos hinalikan nya yung ulo ko.

Nag-smile lang ako bilang sagot.

Mag-aalas kwatro na ng hapon nang mapagdesisyonan naming umalis at magtungo sa hotel ng tito ni Dej para sa gig.

Hindi natuloy na sa Monday kami uuwi dahil may biglang meeting para sa OJT kaya ayun.

After nung gig eh sabay sabay na kaming umuwi para magpahinga dahil maaga kaming babalik ng Manila bukas.

Inihatid ako ni Louis sa kwarto nang makasalubong namin si Lei. Iniripan nya ako tapos biglang nag-smile kay Louis. Aba! Gago to ah.

Sasabunutan ko na sana sya ng hilain ako ni Louis papuntang kwarto.

"Easy. Ayokong magalusan ka." Then he smiled at me.

Pagkahatid nya sa akin eh nagpaaalam din sya agad.

Then, I slept peacefully that night.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon