31

1.5K 27 0
                                    

Thirty-one

Pagkatapos nung nangyari, umiwas muna ako kay Denice. Iniiwasan nya din naman ako.


Magdadalawang linggo na rin at may pasok na. Magkaklase parin kami at classmate din namin si Lei at ang nakakainis, classmate din namin si Jacob.


Lagi silang magkasama ni Denice samantalang ako, hindi man lang makalapit.


Wala na kaming masyadong subject ngayon. Gagawa nalang kami ng thesis, individually at may isang group study kami na kung saan kailangan naming maghanap ng magagandang spot dito sa bansa. Madali lang naman sana pero ang gusto ng prof namin ay yung undeveloped pa.


Choose your own group daw at dapat may apat na tao sa isang group. Halos kompleto na silang lahat except sa grupo nila Denice kung saan si Jacob at Lei palang yung nandun.


Okay na si Denice at Lei. Ewan ko kung pano pero tinulangan ata ni Dj si Lei para maging maayos yung dalawa.


Tinawag ako ni Lei at sinabing dun nalang ako. Tinignan sya ng masama ni Denice pero nagsmile lang ito at nagpeace sign kay Denice. Umirap lang sya at mukhang wala ng magagawa.

Nagsimula na silang mag-usap tungkol dun. Ako tumititig lang ako kay Denice na busy sa pakikipag-usap kay Jacob. Okay lang daw na bisitahin namin yung lugar at okay lang naman kahit sa internet na kami kumuha ng informations pero mas maganda kung pupuntahan namin para makapag interview na din kami.


Napagdesisyonan nila na sa isang lugar sa Cagayan Valley yung pupuntahan namin particularly sa Baggao daw. Nasabi na daw kasi ni Rio kay Denice na may hot spring daw duon at sa ngayon, hindi pa masyadong kilala.


Taga Cagayan ang nanay nila Rio. Kakausapin namin sya na kung pwede dun nalang kami sa bahay nila para hindi magastos. Sana pumayag sya.


Plano nilang sa susunod na linggo kami pupunta dahil walang pasok ng thursday at monday. At dahil mabait yung Dean namin ay wala na din daw pasok ng friday para tuloy-tuloy na.


Pagkauwi ko sa bahay ay nagtext si Dj sa akin na pumunta daw kami sa kanila. Nandun daw sila Denice. Naligo lang ako at nagpalit tapos tumuloy na ako sa kanila.



Nandun silang lahat. Sila Denice naman ay kinakausap yung mommy nila Rio kaya lumapit ako sa kanila.


"Naku, mabuti naman at Cagayan ang napili nyo. Maganda don at maeenjoy nyo." Sabi nya.


"Oo nga po eh. Nagsearch ako sa internet at nakita kong madami ngang magagandang spots dun. Tita, diba malapit lang yung bahay nyo dun sa Baggao?" Tanong ni Denice.


"Mejo malayo pero kung may sasakyan kayong dadalhin ay hindi na kayo mahihirapan. Kung gusto nyo don nalang kayo sa bahay magstay. Isama nyo narin yang si Rio, tutal tambay lang naman yan ngayon." Nagtawanan kaming lahat at nagpasalamat sa mommy nila Rio.


Naiinggit yung ibang pinsan ni Denice kaya sinabing sasama daw sila. Graduate na sila Dj, Rio at Rio. Kukuha nalang daw sila ng vacation leave samantalang si Angel at Christine ay schoolmate namin at mas bata lang ng isang taon sa amin kaya naman settled na ang lahat.



Nagkayayaang mag-inuman muna sa garden nila Rio. Tawanan lang tsaka kwentuhan yung ginagawa namin. Halos lahat sila ay lasing na pero ako, hindi masyandong uminom kasi binabantayan ko si Denice.



Nagulat ako nang bigla syang tumayo at naglakad ng pagewang gewang. Sinundan ko sya at nakitang papunta sya sa kusina.



Muntik na syang matumba at mabuti nalang nasalo ko sya. Iinom inom kasi kung hindi nya din pala kaya.


Tahimik lang ako pero nagulat ako nang hawakan nya yung magkabilang pisngi ko at hinalikan nya ako. Hindi ako makagalaw nung una pero ginantihan ko lang yung mga halik nya.


Before sya magpassed out ay may sinabi sya na agad nakapagpabuhay sa puso ko.



"Mahal kita, Louis. Sana wag na akong magising sa panaginip na to." And then, nakatulog na sya.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon