12

1.8K 44 0
                                    

Twelve

Magtatanghalian na nang makarating kami sta Tagaytay. Sa resthouse nila Dej kami dumiretso dahil sa andami namin.

Nung mag-aala una na eh nagdesisyon kaming pumunta na dun sa hotel para mananghalian at maghanda para sa gig mamayang gabi. Ngayong gabi at bukas ng gabi kasi sila tutugtog kaya naman sa Linggo na kami mamamasyal at uuwi din ng tanghali sa Lunes.

After naming kumain ay nilibot muna namin yung hotel. Tanaw na tanaw mo dito ang Taal Vocano at masasabi kong magandang spot tong nakuha ng tito ni Dej.

Dahil sa amazed na amazed ako tanawin eh hindi ko na napansin yung pag-alis ng iba at nagulat nalang ako nang si Louis nalang yung kasama ko dito.

"H-hm, n-nasan na yung iba?" Tanong ko out of curiosity.

"Nauna nang bumaba." Sagot nya tapos tinignan nya ako.

"Ah sige, baba na din ako." Tatalikod na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Wait lang. S-sabay na tayo." Tinignan ko lang sya pero binawi ko din agad yung tingin ko pati yung kamay ko.

"Baka inaantay na tayo eh." Sagot ko. Maglalakad na sana ako palayo pero nagulat ako ng yakapin nya ako mula sa likod.

"Please, dito ka muna. Pinigilan ko yung sarili kong gawin to kasi alam kong mas lalo mo akong iiwasan pero Denice, di ko na kaya." Sabi nya at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya.

"H-huy b-bakla. Ano bang ginagawa mo? T-tara na nga!" Sinubukan kong kumalas sa yakap nya pero mas hinigpitan pa nya ito.

"Bakit ka umiiwas?" Halos pabulong nalang yung pagkakatanong nya nun.

"Louis, itigil mo na to. Please! Hindi na kita maintindihan eh." Pabulong nalang din yung pagkakasabi ko.

Iniharap nya ako sa kanya pero pilit kong iniwas yung tingin ko sa kanya. Pilit nya ding hinuhuli yung tingin ko at nang hindi nya ito mahuli ay kinulong na nya yung pisngi ko gamit ang dalawang kamay nya.

"Tell me. Anong hindi maintindihan? I've been loving you for almost two years at ngayong abot kamay na kita. Sabihin mo sa akin kung anong hindi mo maintindihan?" Napatingin ako sa kanya na may gulat sa mukha dahil sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Please lang Louis! Ipaintindi mo lahat sa akin kasi gulong gulo na ako!" Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko na agad naman nyang pinunasan.

"Anong hindi mo maintindihan?" Tanong nya sa akin habang titig na titig sya sa akin.

"LAHAT! LAHAT-LAHAT!" Tatalikuran ko na sana sya pero bigla nya akong hinila pabalik at nagulat ko dahil hinalikan nya ako.

Sh*t, hindi ko alam yung gagawin ko pero pinikit ko nalang yung mga mata ko at dinama yung halik nya.

Pareho kaming naghahabol ng hangin nung maghiwalay kami at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hinuli nya ulit yung mga mata ko.

"Now tell me, hindi mo parin ba naiintindihan?" Yumuko nalang akowdahil hindi ko alam yung isasagot ko.

"I love you Denice. Please, wag ka nang umiwas kasi hindi ko alam yung gagawin ko pag ginawa mo ulit yun." Tumango nalang ako at yumuko.

Palabas na kami ng makita namin si Lei na nakatayo sa may pinto. Tinitignan kami at basang basa ang mukha dahil sa luha.

"L-lei." Tinignan nya lang ako tapos binaling nya yung mga mata nya sa mga kamay namin na magkahawak. Tapos tumakbo na sya palayo.

Tatanggalin ko na sana yung kamay ni Louis para habulin si Lei pero hinigpitan nya yung hawak nya sa kamay ko.

"Louis, si Lei." Sabi ko para sana bitawan nya yung kamay ko pero nagsimula na syang maglakad.

"Let her be. Mas masasaktan lang sya kung pilit pa nating itatago ito." Then he looked at me and smiled.

"And one more thing, umiwas ka kay Jeff because damn it baby, I'm jealous!" Kitang kita ko yung frustration sa boses at mukha nya kaya tumango nalang ako.

Alam kong hindi ko pa nasasabing mahal ko din sya pero alam kong nararamdaman nya yun. Sapat na yun para sa ngayon.

---
Read, Vote and Follow po.
Thank You with LOVE ❤

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon