20

1.7K 25 0
                                    

Twenty

Naging maayos naman ang takbo ng mga araw ko. Nagpapansinan na ulit kami ni Lei pero hindi ko na magawang magkwento sa kanya dahil natatakot akong masaktan ko sya.

Nagagawa na din naming isama sya sa mga lakad namin ni Louis. Hindi naman sya nagpapakita na nasasaktan sya.

Pero napapansin ko na kapag lalabas kami ni Louis at isasama namin sya eh sumasama din si Dj. Kaya naman para hindi sila magmukhan ewan eh pinagkakanlulo ko silang dalawa.

Naiilang si Dej pero si Lei naman eh parang walang pakealam.

Lumipas ang mga araw at dalawang linggo nalang pala eh matatapos na ang summer class at isang buwan nalang, magsisimula na ang OJT namin.

I'm a bit excited and scared at the same time. Hay, kakayanin kaya namin ang LDR though six months lang naman eh. Hindi ko alam yung mga mangyayari pero magtitiwala parin ako kay Louis.

Sabado ngayon at may usapan kaming lumabas ni Louis. Habang nag-aayos ako eh biglang may kumatok sa pinto ko.

"Ai, anak bilisan mo. Nanjan na yung sundo mo." Narinig ko ang tinig ni mommy sa labas.

"Okay po mom." Sagot at dali daling nag ayos.

After five minutes e tapos na ako at bumaba agad.

"Hm, sorry. Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan nya lang ako at umiling.

"Let's go." Tumango lang ako at agad na din kaming umalis.

Pagkarating namin sa mall eh dumiretso muna kami sa isang restaurant para kumain.

Pagkatapos naming kumain eh naglibot libot muna kami. Nang mapadaan kami sa may Time zone, tumambay muna kami duon. Naglaro kami ng mga laro at nang mapagot ay naupo muna ako.

Pagkaupo ko ay nagulat ako ng may lumapit na dalawang babae kay Louis. Mukhang highschooler tong mga to at daig pa ako kung lumandi ha. Halata mo yung mga malalagkit na tingin nila kay Louis at ang lintik na lalaki eh kung makangiti wagas!

Lumapit ako para marinig yung pinag-uusapan nila.

"Kuya, ano pong pangalan mo?" Tanong nung isang babae.

"Kent." Simpleng sagot nya pero ang walang hiyang lalake ay nakasmile pa.

"Kuya, ang gwapo nyo po! Pwedeng kunin yung number nyo?" Para akong sasabog na bulkan ng marinig ko yun. Dali-dali akong lumapit sa kanila at nang makita ako ni Louis eh tinignan ko sya ng masama. Tinitingin tingin ng baklang to. Psh!

Pero ng tumingin yung mga babae sakin eh agad ding akong nagsmile. Mga haliparot. Ke babata pa eh.

Kumapit ako sa kamay ng lalakeng ito at nagkunwaring pagod na.

"Baby, I wanna go home. I'm tired." Tapos nagkunwari pa akong pagod na pagod na.

"Ah, ate sino ka po?" Tanong naman nung isang babae.

Binalingan ko sila at nagsmile ako.

"I'm his wife. Right baby?" Tanong ko na may halong diin kay Louis.

"A, oo! Sorry girls. Pagod na daw tong asawa ko. Kailangan ko nang iuwi kasi  bawal sa buntis ang mapagod eh. Sige ah." Paliwanag ni Louis na may halong nakakalokong ngiti.

Ngumiti lang ako sa dalawang babae at nagsimula na kaming maglakad.

Hawak ni Louis yung kamay at nang makalabas na kami eh dali dali kong binitiwan yung kamay nya at nagsimulang maglakad ng mabilis.

"Hey wife. Where do you think you're going?" Tanong ni Louis na nakangiti parin.

"Uuwi! Told you, I'm tired!" Sagot ko sa kanya at maglalakad na sana ulit ako nang pigilan nya ulit ako.

"We're not going to watch that movie that you like, wife?" Inirapan ko sya.

"Ayoko na! Nawalan na ako ng gana. Ito piso, maghanap ka ng kausap at wag na wag mo akong matawag tawag na wife dahil baka masipa kita at mabaog ka ng wala sa oras!" Nagngingitngit ako sa galit ng sinabi ko yun.

"You're so cute when you're jealous. And wag mo kong sisipain kasi baka hindi na kita mabiyayaan ng anak pag nangyari yun." Humahalakhak syang sabi.

Tinignan ko lang sya masama kaya tumawa sya.

Kinaladkad nya ako papunta sa isang Kpop shop at nagulat ako ng bigla nyang bilhin yung isang album ng EXO! Omygosh! It's EXODUS era!

Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi patawarin sya dahil sa album. Well, you can't blame! EXO na ang pinag uusapan dito. HAHA

Hanggang sa pauwi na kami eh tinititigan ko parin yung picture ni Baekhyun dun sa may album.

"Damn it, wife. You've been looking at that gay for almost 5 hours now. You're not even listening to me and I'm f*cking jealous." Tinignan ko sya nang masama kaya naman natahimik sya.

How dare him call my Nampyeon GAY!

Bumuntong hininga sya at hindi na ulit ako pinansin.

Hinalikan nya lang yung noo ko nung pagkahatid nya sa akin at umalis din agad.

I know his pissed. Susuyuin ko nalang mamayang gabi yun. Haha!

For now, titigan ko muna si Baekhyun! HAHA

--
Malapit na tayo sa climax ng story. HAHA

Annyeong ☺

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon