Five
At nagtuloy tuloy pa yung kamalasang nangyari sakin. Akala ko yung pagiging seatmates lang namin yung pinakamalas na nangyari pero hindi pala. Kasi may activity na agad ang school at kung mamalasin talaga, nilaglag akong magaling daw akong kumanta. Ok lang naman sana, pero bwisit! Magaling din daw kumanta tong isang to kaya ang ending, duet kami! Aish!!!!
Next week pa naman yung event which is iwewelcome yung mga bisita na galing Seoul daw at ewan ko kung bakit sila nandito. Mabuti naman sana kung nandun din ang EXO, BTS, GIRL'S GENERATION, CNBLUE AT RED VELVET! Edi gaganahan pa sana ako. At dahil sa next week pa talaga yun, may oras pa kaming magpractice. Kaso pano kami magpapractice e lagi kaming nagbabangayan! Nakakainis naman eh!
Mabuti nalang at nakapili na kami ng kanta nung magFriday na which is Flashlight ni Jesse J.
*end of flashback*
Sabado ngayon, so naghihintay ako sa baklang yun kasi magpapractice daw kami at dahil sa magaling talaga sya eh late na sya ng 30 minutes. Nakakainis talaga! Aish -.-
"Uy, Denice, sorry late ako! Kasi sinugod namin sa clinic si Chuchi eh." Pasalamat talaga tong baklang to at valid yung reason nya pero teka tinawag na namang akong Denice eh! Aish!!!
"Hoy, sinabing wag mo akong tawaging Denice eh!!! At tska kamusta naman yung si Chuchi? Kapatid mo ba yun?" Tapos bigla nalang syang humagalpak sa tawa at kulang nalang hampasin ako. Nababaliw na ba to?
"Huy, nababaliw ka na ba?" Dahil sa wala akong idea kung bakit tawa sya ng tawa eh tinanong ko na.
"HAHA! Kasi naman eh, si Chuchi kapatid ko? Haha! Aso yung ng kapitbahay namin. Nakakain kasi ng tinik e saktong paalis na ako nung nakita kong nagsusuka kaya ayun, dinala ko muna sa clinic. Haha! Tara na nga, sa bahay na tayo magpractice." Tapos tumawa pa ulit sya at kinaladkad ako papuntang parking lot.
After 30 minutes eh nakarating na kami sa kanila. Takte, kung malaki na yung bahay eh doble pa ata nun tong bahay nila eh. Ang ganda! May fountain pa sa harap at kapansin pansin ang garden nila na may gazebo pa. Wow talaga.
"Oy, laway mo! Baka matuluan tong kotse ko. Haha" Pang-asar nya sakin.
"B-bahay nyo talaga to? O baka naman hardinero ka lang dito. Diba, kasi yung mga bakla! Mahilig sa halaman." Tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.
"Nang-aasar ka na naman ba? Tsaka bahay namin to! Sorry ka, hindi ako hardinero lang. Psh -.-! Tsaka yang garden namin eh si mommy yung gumagawa at umaayos jan." Mahabang paliwanag nya sa akin.
"Ganun ba!" Yun nalang yung nasagot ko.
Pagkapark nya eh dumiretso na kami sa loob. At kung maganda na yung sa labas, speechless ako sa kagandahan at kalinisan ng bahay nila! Wow talaga!!
"Sa may terrace nalang tayo sa likod magpractice. Kukunin ko lang yung gitara ko." Paalam nya sakin.
Tumango nalang ako at umalis na sya.
Habang inaantay ko si Louis e biglang may babaeng bumungad sa harapan ko!
"Hi!" Jusmiyo, kung hindi lang sya nakasmile e iisipin kong mataray sya.
"Mmm. H-hello po" Shit, mukha na ata akong tanga dito.
"Anong pangalan mo?" Tanong naman nya ng nakasmile pa rin.
"Ailee po. Ailee Denice Merced." Sagot ng nakasmile na din para maitago ko yung kaba. Shit, bat antagal naman ata nung baklang yun.
"Ah! Girlfriend ka ba ng anak ko? Kasi kung oo,ipapakasal ko na kayo agad! Haha" Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway.
"H-hindi po! Classmates lang po kami. Tska magpa-practice lang po kami ng kanta dito." With hand gestures pa yung pagkasabi ko para maniwala syang hindi.
"Ganun ba! Sayang. Ang ganda mo pa naman. Ako na dapat yung gagawa ng paraan para mapikot ka eh. Haha" Kung kanina, halos masamid lang ako e ngayong, nasamid na talaga ako. Sasagot pa sana ako nung biglang dumating si Louis.
"MA!! Wag mo naman akong ipahiya jan sa basagulerang yan. Lika na nga!" At hinila na nya ako papuntang terrace.
Hanggang sa matapos kaming magpractice eh hindi ko na sya pinansin kaya hinatid na nya ako pauwi.
Girlfriend? Pikot? Shit lang!!!
--
Sana magustuhan nyo. Haha! Salamat!-EXOBaekhyun_04

BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
AcakAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...