8

2.2K 59 1
                                    

Eight

After nung gabing yun, balik asaran na naman kami netong baklang ito at parang nakalimutan ko na yung nangyari at mga narinig ko nuon. Pero pansin ko lang, hindi ako masyadong pinapansin ni Lei. Ewan ko lang kung bakit. Wala naman akong maalalang ginawa ko sa kanya. Pero okay na din yun. Atleast di nya ako binubulabog.

Pero may pamalit sa bulabog sa buhay ko. Takteng bakla to eh! Panira talaga eh!

"Hoy, basagulera! Pakopya naman ng assignment mo sa Accounting oh. Sige na! Promise, di na kita aasarin!" Kanina pa nya ako kinukulit at for the nth time, inisnob ko ulit sya.

"Huy, sige na oh! Please!!!" Pamimilit nya ulit at tinignan ko lang sya ng masama.

"Pwede ba, hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihang ayaw kitang pakopyahin diba! Aish! Jan ka na nga" Tinalikuran ko na sya para pumuntang CR pero agad ding napahinto ng bumungad sa harapan namin yung isang classmate namin.

"Guys, napost na sa bulletin board yung mga napili nung Koreans na pumunta dito last week! Tara! Tignan natin!" At nagsitakbuhan na yung iba except kay Louis at Lei.

"O, hindi nyo titignan kung napili kayo?" Tanong ko na may halong pagtataka.

"Hindi na kailangan kasi sa Singapore naman ako mag-aapply para sa OJT ko." Sagot ni Louis sa tanong ko.

Tumango lang ako at binalingan si Lei.

"Eh ikaw Lei?" Tanong ko sa kanya pero parang hindi nya ako narinig kaya pumunta ako sa harap nya.

"Huy!" Sigaw ko sa harap nya kaya nagulat naman sya.

"Ay, kabayo! K naman eh! Bat ka ba nanggugulat?" Tanong nya sakin na may halong pagtataka.

"E kasi hindi ka nakikinig eh! Tara, tignan natin kung napili tayo nung mga Koreano." Tumango naman ito at binalingan si Louis at nung makita nyang hindi sya pinapansin eh bumaling na sya akin.

Binalingan ko naman Louis na may halong pagtataka at nagulat ako ng nakatitig sya sakin.

"Tara na, K!" Nagulat nalang ako sa sigaw ni Lei kaya binaling ko yung atensyon ko sa kanya at nakita kong nasa pinto na sya.

"H-ha? Sige. T-tara na!" Tapos hinila ko na sya papunta sa mga bulletin boards.

Agad kong hinanap kung may pangalan ba ako.

25. Mendez, Christine R.
26. Merced, Ailee Denice S.

And ! Yes! Makakapunta na din akong Korea! Baekhyun!!! Wait for me!!! HAHA

Ansaya saya ko kaya nayakap ko ng wala sa oras si Lei!

"Napili ako!!!" Nagtatatalon ako sa tuwa dahil duon pero napansin kong hindi natuwa si Lei.

"Buti ka pa. Hay! Mukhang gagraduate muna ako before makita si Chanyeol ah. Hay naman!" Sabi nya sa akin kaya parang bumagsak din yung pakiramdam ko.

"Wag kang mag-alala! MaghaHi nalang ako sa kanya para sayo!" Sabi ko para naman gumaan yung pakiramdam nya at effective, nag-smile na sya.

"Talaga???!!!??" Tanong nya na may halong excitement.

"Oo naman, pero dahil ako si Ailee Denice Salazar Merced eh kailangan mo muna akong ilibre! Haha" Sabi ko na may halong nakakalokong tawa.

"Oo na! Oo na! Patay gutom na to! Mayaman naman kayo eg. Psh -.-" Reklamo nya kaya pinagtaasan ko sya ng kilay.

"May sinasabi ka Lei Veronica Chu? Sayang, with picture and autograph pa sana yun eh. Pero sige. Wag nalang." Pambabanta ko sa kanya tapos kunwaring tatalikod na ng kinaladkad nya ako papuntang canteen.

"Oo na! Oo na! Eto na nga eh! Ililibre na kita! Psh! Pasalamat ka talaga, mahal na mahal ko si Chanyeol!" Sagot nya sakin at nagtawanan kaming dalawa habang naglalakad papuntang canteen.

Mabuti nalang at bumalik na sa dati yung Lei na kilala ko. Akala galit sya kaya hindi nya ako pinapansin eh. Kahit naman naiirita ako dito paminsan minsan e masaya ako kasi naging magkaibigan kami.

At dahil sa okay na kami at libre nya naman yung mga kinakain ko eh binusog ko na yung sarili. Wala na syang nagawa kaya nagtawanan nalang kami at bumalik na sa room.

Masaya ako na natanggap ako at masaya din ako kasi okay na yung self-proclaimed bestfriend ko.

---
Sana po may magbasa. Tapos pa vote na din po. Haha! Kamsa chingus! ☺

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon