Twenty-one
Tama nga yung sinabi nila na kapag masaya ka eh ang bilis ng oras.
Isang linggo nalang matatapos na ang summer class. Tapos vacation for two weeks, at alam na natin ang susunod na mangyayari. Haha
Andami ng plano ng mga pinsan kong puntahan daw namin before namin layasan ang Pilipinas.
Tawa lang ako tawa sa mga ideas nila na ang ending eh magparty nalang daw kami dito sa Manila dahil pa naman daw kami after 6 months.
Nagulat ako ng inakbayan ako ni Louis at bumulong.
"Let's get married." Sinapok ko sya kasi kung anu-ano na naman yung pinagsasabi nya and for pete's sake, bat ang PDA nito. Haha
"I don't want!" Tapos inirapan ko sya at ang matindi, inirapan din ako.
Sasapukin ko na sana ulit ng kinulong nya yung dalawang kamay ko kaya hindi ko ito maigalaw. Sumimangot ako at nakinig nalang sa mga pinsan kong wala nang ginawa kundi ang magtalaktakan.
Pauwi na kami ng magulat ako na ibang daan yung tintahak namin.
"Where are we going?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ako familiar sa daan eh.
"Home." Simpleng sagot nya kaya tumango nalang ako at nanahimik.
Naalala ko na naman yung sinabi ng mommy nya sa akin nung last na pumunta ako sa kanila.
Pagkarating namin sa bahay nila e nagulat kaming pareho nang nasa garden nila si Lei at kakwentuhan yung mommy ni Louis.
Ngumiti si Lei sakin na ginantihan ko din ng ngiti.
"O, anak. Good thing your here. Lei brought lasagna. Gawa nya daw." Hindi pa ata ako napansin ng mommy ni Louis kaya hinila na ako ni Louis papunta sa tabi nya.
"Mom, I'm with my wife po pala." Pinalo ko sya kaya napahalakhak sya.
"Hi po." Bati ko sa mommy nya.
Parang kinikilala nya ako at nagulat ako nang bigla syang pumalakpak.
"I remembered you. You're Ailee right?" Tumango ako at ngumiti.
Ngumiti din sya sakin pero nakakaloko ito.
"So, napag-isipan mo na ba yung sinabi about sa pikot. Payag ka na bang pikutin kita para sa anak ko? Haha" Yung tawa nya, nakakatakot. Parang may binabalak kaya namula ako agad.
"Ma, stop it. You're making her feel uncomfortable." Tumawa lang yung mommy ni Louis.
"Okay. Okay. Haha! Just assuring your future. Haha!" At mas lalong namula yung mukha ko.
"Ehem. Tita, mauna na po ako. May gagawin pa pala ako." Paalam ni Lei.
"O, sige sige iha. Salamat dito ha." Sabi naman ng mommy ni Louis.
"Sige Kent, Ai. Una na ako." Tumango lang ako.
Hinila na ako ni Louis papunta dun sa mga upuan pero nagawa ko paring lingunin si Lei but then I saw her looking at us with rage and jealousy written all over her face.
Ewan ko kung nag iilusyon lang ako or what. Bigla nalang kasi syang nakasmile ng mapansin yung pagtingin ko.
Maybe, it was just my imagination. Weird imagination Ailee Denice. She's over it and you're both okay now so stop worrying too much. It's not even worth it.
Kaya naman iwinaksi ko lang yung imagination ko at nakipagkwentuhan nalang sa mommy ni
Louis.

BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
AléatoireAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...