Three
Ewan ko ba kung may balat sa pwet tong baklang to dahil simula kaninang umagang nadikit yung balat ko sa kanya eh nahawa na ata ako sa kamalasan nya.
Pagkarating namin kanina sa may DR e binigyan na agad kami ng parusa. Buti nalang at hindi kami kinulong sa Detention Room dahil baka mapatay ko tong bwisit na pamintang to at buti nalang hindi sya umaangal na di ako tumutulong sa paglilinis ng cr dahil isusungalngal ko talaga sa kanya tong toilet brush at ibubuhos ko talaga sa kanya tong muriatic acid na hawak ko ng mabawasan naman ang mga paminta dito sa mundong ibabaw. Yes people, ang parusa namin ay linisin ang mga CR dito sa buong department namin.
Nakaka-Eww pero buti nalang at hindi talaga nagrereklamo tong PAMINTA na to. Kung sabagay, hindi naman ganun kadumi tong CR ng mga babae. Ewan ko nalang sa CR ng mga lalake. Hay!
Nagulat ako ng kalabitin ako ng baklang to. Muntik na pala akong makatulog. Hay!
"Hoy, babaeng basagulera! Tapos ko na yung part ko so iiwan na kita ha. Goodluck nalang sa paglilinis sa CR ng mga lalake. Ciao! :P" Parang gusto ko ulit manapak nung marinig ko yung sinabi nya. Dali-dali ko syang sinundan at nakita ko nalang na papunta syang canteen! O sh*t! Tototohanin talaga nyang iwan ako sa CR ng mga lalake!
Bago pa sya makalayo e binato ko sa kanya yung Toilet Brush at ayun, sapul yung ulo!
"HOY BAKLA KA! SASAMA KA SAKIN DAHIL KASALANAN MO KUNG BAKIT TAYO NAPARUSAHAN! KAYA WAG NA WAG KANG TATAKAS KASI KANINA KO PA GUSTONG BASAGIN YANG PAGMUMUKHA MO!!!" Hindi ko na napigilan yung bunganga ko at napasigaw na talaga. Mabuti nalang talaga at walang masyadong tao sa part na to ng school kung hindi nadagdagan na naman yung parusa namin. Aish!!
"What the heck! You called me BAKLA! Hoy, para sabihin ko sayo, mas mukha kang bakla! Babae ka nga pero mas maganda pa yung mga bakla sayo! Ah! Sguro may gusto ka sakin no? Kanina ka pa nagpapapansin eh. At kung sa tingin mo, hahalikan kita kasi tinawag mo akong BAKLA! Pwes, nagkakamali ka! Yuck!" Halos mabunit ko yung panyong hawak ko habang pinapakinggan yung mga sinasabi nitong baklang to. Sasagot na sana ako ng talikuran nya ako at akmang aalis nang hinila ko yung kamay nya at sinapok sya!
"PARA YAN SA PAGSABING MUKHA AKONG BAKLA!" Tapos sinapok ko ulit sya.
"PARA NAMAN YAN SA PAGSABING MAY GUSTO AKO SAYO! YUCK! KILABUTAN KA NGA!" Tapos isang sapok pa yung binigay ko bago ako tumakbo palayo sabay sigaw ng "YUNG HULING SAPOK! WALA LANG YUN! TRIP KO LANG!! HAHA! BLEHH"Pagkarating ko sa field ng school ay sobrang pagod na pagod ako sa pagtakbo at the same time, tawa ako ng tawa dahil ang epic ng pagmumukha nya.
Sa wakas, nakapaghiganti din ako sa baklang yun! Wahahaha
---
Sana talaga may magbasa neto! Haha! Alam kong korni pero sana may magbabasa! HAHA-EXOBaekhyun_04
BINABASA MO ANG
That Guy! (Completed)
RandomAre you willing to fall in love with a person whom at first was your enemy? And when you do, are you willing to take the risk? Are you willing to experience being hurt and to hurt someone? Or you will just keep your feelings because you're afraid. L...