6

2.1K 40 0
                                    

Six

Monday na ngayon at mamayang hapon na yung performance namin.

After nung nangyari sa bahay nila eh hindi na ako komportableng makipag asaran sa kanya at alam kong napansin nya yun.

Nung magSunday na eh sinabi kong sa bahay nalang magpractice. Mabuti nalang at hindi sya umangal.

Papunta na ako sa office dahil may sasabihin daw yung Dean sa aming dalawa. Napag alaman kong pupunta dito yung mga Koreano para sabihing open sila for OJT which is next sem na so pipili sila ng 50 Tourism students para sa OJT sa Korea at dahil sa gusto kong pumunta dun eh magpapakabait na muna ako.

Pagkarating ko sa office e nandun na si Louis at agad ding nagstart magsalita si Dean.

Sabi nya dapat daw 5 songs yung kakatantahin namin at dapat daw may isang KPop Song dun. At dahil sa KPop Stan ako ay ako nalang yung kakanta ng Korean Song kasi hindi namin napaghandaan to.

So yung mga napili naming kanta ay Flashlight, Tadhana, Little Things, You and I at syempre Best Luck ni Chen pero gagawin namin acoustic so si Louis ang tutugtog.

Nagpractice na kami at nung mag ala una na ay sinabing maghanda na daw kami.

Yung Flashlight muna yung unang kinanta namin tapos sunod yung Little Things tapos yung You and I.After ng tatlong kanta ay nagpahinga muna kami at yung ibang performance muna nung iba yung pinakita at konting salita muna mula sa Dean namin tapos kami na ulit.

Yung Best Luck muna yung kinantao ko. At habang kinakanta ko yung chorus nya ay napatitig ako kay Louis.

bogo sipeun naui sarang unmyeong ijyo pihalsudo eobtjyo


every day I'm so lucky sumgyeowatdeon nae mameul gobaek hallae neoreul saranghae ~

Habang titig na titig ako sa kanya habang kumakanta ay parang kinabahan ako ng ewan at buti nalang patapos na yung kanta nung binalingan nya ako.

Ewan ko kung ano tong nararamdaman ko pero sigurado akong hindi to maganda.

Hanggang sa matapos ang program ay hindi ko na sya pinansin at nakinig nalang ako sa sinasabi ng mga Koreano at malalaman daw namin next week kung sino yung 50 na makakapunta sa Korea.

Ipopost nalang daw yung mga pangalan nang mga napili.

Dali-dali akong lumabas nung natapos yung program.

Para akong tangang tumatakbong mag-isa papuntang field para makaiwas. Kailangan ko na talaga syang iwasan kasi hindi ko nagugustuhan yung epekto nya sa akin.

To be continued...

--
Please basahin nyo. HAHA!
SALAMAT with Love ❤

-EXOBaekhyun_04

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon