36

1.4K 25 0
                                    

Thirty-six

Thursday na at ngayon ang punta namin sa Cagayan. Maaga kaming umalis dahil sa malayo ang pupuntahan namin at expected naming mamayang hatinggabi na kami makakarating.

Kina Rio na kami nagkita dahil pinahiram ng mommy nya yung isang van nila. Marami kaming pupunta ngayon kaya naman ang ingay namin.

Pagkapasok namin ay pumwesto ako sa may malapit sa bintana pero agad din akong pinalayas ni Jess ng pumasok sya. Umupo naman sa tabi ko si Lei.

Nasa likuran ko sila Jacob, si Denice na nasa tabi ng bintana at si Jasper. Drummer ng banda at graduate na rin.

Sa pinakalikod naman ay si Christine, Angel at Ria na mukhang inaantok na.



Si Rio ang magdadrive at katabi nya si Dj na magiging substitute pag napagod si Rio.


Dumaan muna kami sa isang Drive Thru para bumili nang pagkain pero ang magaling kong pinsan ay tulog na tulog na. Tss.


Pagkabili namin ay umalis din kami agad. Nagulat ako ng siniko ako ni Lei at nginuso nya yung salamin.

Tumingin ako dun at nakita kong nag-aasaran si Denice at Jacob. Tulog na halos lahat ng kasama namin. Kumunot lang ang noo ko at nagkunwaring matutulog. Naglagay din ako ng earphones pero hindi ko naman nagpatugtog.



Makalipas ng ilang minuto ay tulog na din si Lei at sumandal sa balikat ko. Dalawa na sila ni Jess na nakapatong sa balikat ko.


Nagulat ako nang itigil ni Rio ang sasakyan. Bumaba naman si Dj at ginising si Lei. Tinignan lang sya ni Lei. Pero mas nagulat ako ng buhatin nya ito at ilagay sa tabi nya sa harap.

Natahimik nalang si Lei at tumuloy na kami.


Nagtulug-tulugan parin ako hanggang sa marinig ko na yung pag-uusap nung dalawa sa likod.


"Girl, hindi ka ba nagseselos sa dalawan yan?" Tangna! Bakla pala tong Jacob na to. Kaya pala kung makatingin ay sobrang lagkit.


"Pss. Wag ka ngang maingay. Baka mamaya may makarinig sayo!" Sagot naman ni Denice.

"Duh, Ai. Malamang may makakarini. Tulog sila oh. Kaya sagot na!" Sarkastikong sagot ni Jacob.

"May karapatan ba akong magselos? Ako yung nagtulak sa kanya palayo pero Jacob, ang sakit pala no." Narinig ko ang mumunting hikbi nya sa likod.


"Hush, Ai. Everything will be okay." Pagpapatahan naman ni Jacob sa kanya.



Dammit baby. I just need you to tell me that you love me. I'll stop this game. I'll definitely come to you. But I can't do that right now. I also need assurance. Only assurance, baby.

That Guy! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon