"Mahusay ka hija! Bakit hindi mo pagkakitaan ito?"
Hay! Ayan nanaman po sila.
Walang araw yata na hindi ko narinig ang mga linyang yan sa tuwing mayroon nakakakita sa angkan namin ng mga drawing at painting ko rito sa bahay.
Compliment siya, oo, pero nakakapagod na paulit-ulit na lang na ganon ang sinasabi.
Dahil ni minsan naman talaga ay hindi pumasok sa isip ko na gawing hanapbuhay ang nag-iisang bagay na nagpapakalma na lang sa minsang magulo kong isip.
Wala rin kasi akong oras atsaka hindi naman ako sigurado kung papatok ba ito talaga kasi minsan pakiramdam ko ineeme eme lang ako nitong mga kamag-anak ko.
May masabi lang, ganon!
"Hay nako! Ate, pampalipas lang yan ni Loi, mabuti na rin yung focus lang siya sa pag-aaral niya" Biglang sabat ni mama ng makalabas na ito mula sa kusina habang dala-dala ang tray na mayroong meryenda.
"Ano nga ulit kurso mo, Loi?"
"Mass Communication po, tita" Magalang na sagot ko at naupo na rin sa sofa na kaharap nila ni Mama. Saglit pa siyang napatigil sa pagkuha ng meryenda sa mesa at humarap ulit sa akin.
"Mass Communication? Edi mag broadcaster ka? Ala Karen Davila? O 'di kaya Kara David?" Tanong pa niya kaya napapangiti na lang akong umiling.
Ganiyan talaga sila no, pag communication na akala mo lagi magbabalita.
"Hmm pwede naman po pero malawak po kasi ang mass communication na course kaya marami-rami rin po chance na makahanap talaga agad ng trabaho po" Sagot ko na lang. Tumango-tango naman na si Tita at magsimula na kumain ng meryenda at kinausap na ulit si Tita.
May ganyan talaga tayong kamag-anak, aalamin lahat sa atin tas hindi na natin alam na kinokumpara na tayo sa anak nila sa utak nila.
Ako si Mary Loi Yves Ricalde. Maloi sa karamihan at Loi ni Mama. Mass Communication student sa isang kilalang paaralan sa Maynila. Nung una hindi ko alam kung bakit masscom ang napili kong course pero ngayon sigurado na ako na dahil ay masscom din ang course ng mga kaibigan ko mula high school na sina Aiah, Jhoanna, Stacey at Mikha na siyang nobya ni Aiah na tanging naiba ng kurso mula sa amin tatlo.
Hindi sa wala akong sariling pangarap o sariling gusto. Meron din kasi akong mga skills na magagamit ko sa pag-aaral ng communication at sa mga posibleng maging trabaho ko sa future. Masaya naman ako sa kurso ko dahil gusto ko rin naman ang mga ginagawa ko.
Kaya malabo ang sinasabi ni Tita about sa mga painting ko, pampalipas oras ko lang talaga ang pagpinta at pamtakas ko lang sa stress sa mga gawain sa school.
"Hi po! Titas"
"Hello po, good afternoon po!"
"Hi tita! Imissyou!"
Bati na ng mga kaibigan ko ng dire-diretso na itong mga pumasok sa loob ng bahay namin.
"Tamang-tama mag meryenda na muna kayo ron sa kusina bago kayo umalis" Nakangiting usap na rin ni mama sa tatlo at tahimik na binilang ang tatlo.
"Kulang isa, nasaan nobya mo, Aiah?" Takang tanong ni mama rito kaya napatingin naman din kaming lahat sa kaniya.
Oh diba! Pati mama ko nasanay na lima kami.
"Nasa school na tita, tinamad akong sumabay sa kaniya kanina e" Natatawang sagot ni Aiah kaya natawa na lang din naman kami.
Gaga talaga.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...