"Salamat pala kanina" Biglang usap na ni Colet kay Mikha habang parehas nagtutulak ng kanya-kanyang grocery cart ang mga ito.
"Saan?" Takang tanong ni Mikha habang patuloy pa rin sa pagpili ng pork at beef sa meat section.
"Sa pagsama sa akin sa bonding niyo" Sagot ni Colet kaya nakangiti naman ng napailing si Mikha sa kaibigan.
"Gusto ko lang makita mo kung sino-sino ang masasaktan at magugulo mo" Aniya ni Mikha na siyang nagpatigil kay Colet.
"Mikha"
"Chill bro! Nagbibiro lang ako" Tawang-tawa na aniya pa ni Mikha habang turo-turo na ang mukha ni Colet. Napailing na lang din naman si Colet at napahinga ng malalim.
"Pero siguro seryoso mga 30%, totoo naman may masasaktan at magugulo ka sa pagpasok mo sa buhay ni Maloi, 70% na hindi ganon kaseryoso yung sinabi ko kasi aware naman na kami na wala na kaming magagawa and besides, masaya siya sa friendship na binubuo niyo tsaka wala naman talagang lihim na hindi nabubunyag e" Paliwanag na ni Mikha kaya natahimik na lang naman si Colet.
"Lalabas at lalabas din ang totoo, kaya nga nag-aalala na rin kami kay Jhoanna, kung kami natatakot, paano pa kaya siya" Dagdag pa ni Mikha kaya napatango na lang naman si Colet.
"Naiintindihan ko at humihingi ako ng pasensya, kay tita, sayo, sa inyong magkakaibigan lalo na kay Jhoanna. Pero Mikha, wala akong pinagsisisihan sa mga nangyayari, masaya ako sa kung ano meron kami ni Maloi ngayon at hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan sa kaniya na totoo tong nararamdaman ko sa kaniya, magalit man siya sa akin" Mahabang usap na rin ni Colet kay Mikha kaya napatango na lang din naman ang kaibigan.
"Naiintindihan ko, ang tagal mo na rin tinatago yan, masaya ako para sayo pero pasensya ka na rin kung hindi ko magawang suportahan ka ng todo kasi nauuna pa rin sa akin ang pag-aalala sa kaibigan ko"
"Lalo na't alam natin pare-pareho nila Jhoanna ang kakayahan gawin ng ex mo"
~~~~~~~~~~~
"Nak! Nak!" Sigaw ni mama ng muling bumalik ito sa loob ng bahay matapos makipag chismisan nanaman sa mga kaibigan niya sa kalapit bahay.
"Shala naman ni tita, lumabas lang saglit may ibabahagi nanaman chismis" Usap pa ni Stacey kaya natawa na lang naman ako.
"Oo teh! Mana sayo" Dagdag ko pa at lumabas na sa dining area para lapitan na ang mama kong chismosa.
"Bakit po ba ----
"Oh my god! Infairness lalo siyang gwumapo" Hindi ko natuloy na sasabihin ng bigla ko ng marinig magsalita si Stacey na ngayon nasa likuran ko na pala.
"Maki?!"
"Oh my god! Ikaw nga!"
"Muling ibalik na ba ito?" Tanong pa ni Aiah matapos kong magsalita ng makita na rin ang kasama ni Mama, na siya rin naman sinundan ng usap pa ni Jhoanna.
"Tss! Matapos paiyakin si Maloi" Agad ko naman ang kamay ni Jhoanna para sana pakalmahin na ito kahit papano.
Baka sapakin bigla sis, sayang face nitong nasa harap ko.
"H-hi!" Nauutal na usap niya habang nahihiyang hinahagod-hagod ang batok nito.
Tama si Stacey, lalo ngang gwumapo si Maki.
"Kailan ka pa nakauwi?" Nakangiting tanong ko sa kaniya dahil kanina pa talaga hindi umaalis ang tingin niya sa akin.
"Actually, kakababa ko pa lang sa kotse galing airport ng bigla na akong hilahin ni tita papunta sa bahay niyo" Natatawang sagot niya kaya hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay mama. Habang tawang-tawa naman na sa likod ko si Aiah at Stacey.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...