KABANATA XVI

3.3K 78 30
                                    

"Okay ka lang?" Tanong na sa akin ni Jho ng tumabi na ito sa akin.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay, nakaupo sa gilid ng pool habang nakatampisaw  sa tubig ang mga paa.

Isang buwan na rin halos ang nakakalipas mula ng mag La Union kaming walo. Magmula noon, mas naging close na namin lalo magkakaibigan ang mga kaibigan ni Colet at Mikha na si Gwen at Sheena. At magmula rin noon mas lalo na rin lumalim ang nararamdaman ko sa taong hindi rin tumigil na iparamdam sa akin na dapat din akong alagaan at panatilian.

"Hmm, papahangin lang" Sagot ko at nilingon na siya.

"May problema ba?" Tanong pa ni Jhoanna kaya agad naman akong umiling.

"Wala, siguro naninibago lang" Taka naman siyang tumingin sa akin.

"Saan?"

"Sa mga nangyayari, sa mga problema mo at sa pinaparamdam sa akin ni Colet" Sagot ko kaya nanatili lang naman itong nakatingin sa akin at naghihintay ng kasunod.

"Sinasaktan ka ba ng ga—-

"Hindi" Pagpuputol ko na sa sasabihin niya bago pa siya makapagbitaw ng masasamang salita.

Sasabog nanaman e.

"Naninibago lang ako kasi bago lang ulit may pumasok sa buhay ko magmula nung, alam mo na, nung iwan ako ng isa rin sa napaka importante sa buhay ko" Pilit na ngiting usap ko na sa kaniya kaya agad naman niya akong inakbayan.

"Pero ako, hinding-hindi kita iiwan, kami ni tita at Stacey, nila Aiah at Mikha" Usap pa niya kaya agad naman akong tumango.

"Alam ko naman yon at sana nga hindi kasi kung isa sa inyo mawala at iwan ako ulit ay hindi ko na rin alam, nakakatakot, iniisip ko pa lang parang bumabalik ulit yung sakit na naramdaman ko noon" Napatango naman siya at napabuntong hininga.

"Pero alam mo, sa panahon ngayon, parang hindi na uubra yung takot e, kasi kung patuloy kang matatakot na baka maiwan ka o kung masaktan ka ng paulit-ulit, hindi ka magiging masaya, habang buhay ka na lang mabubuhay sa takot"

"Ikaw, karapat-dapat ka lang na sumaya, lagi mo sinasabi sa akin na deserve ko, aba mas lalo naman na deserve mo! Kaya kong isuko buhay ko at lahat lahat na meron ako para lang makita kang masaya, Maloi"

"Kaya sana palayain mo na ang sarili mo sa mga iniisip at takot mo dahil hindi ka magiging masaya kung lagi kang may pangamba diyan sa puso mo"

"Hindi ko alam kung paano"

"Pero nagagawa mo na" Nakangiti ng usap niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Ang alin?"

"Ang maging matapang, nung huling beses na mabanggit mo ang bagay na nangyari sayo noon e yung nung una rin beses tayong nagkita, walong taon na tayo magkasama at ngayon mo lang ulit nabanggit ang tungkol sa bagay na 'yon" Sagot niya kaya natahimik na lang naman ako.

"Doon pa lang sa buksan mo ulit ang mga nakaraan na nangyari sayo e ang tapang tapang mo na, alam ko hindi madaling balikan ang pangyayaring yon at alam ko rin na hindi mo na maalis sayo yon lalo na't hanggang ngayon mayroon ka pa rin tanong diyan sa isip mo" Seryosong usap pa niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

Tama si Jho.

Ngayon ko na lang ulit nabanggit ang tungkol sa pag-iwan sa akin ng taong yon noon. At tama rin siya na hanggang ngayon mayroon pa rin akong tanong sa isip ko dahil sa mga nangyari noon.

"Naalala ko pa noon, nakita kita sa school garden, umiiyak, walang kasama, sa totoo lang hindi ko alam gagawin ko noon o kung mayroon ba talaga akong dapat gawin"

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now