"So, anong dinaanan niyo ni Colet at bakit nauna pa kami sa inyo sa classroom, aber?" Bungad na tanong ni Stacey sa akin ng makaupo na kaming lahat sa tambayan namin para kumain na ng lunch.
"Nauna pa kayo kila Colet?" Takang tanong na ni Mikha kaya agad naman tumango ang nobya nitong si Aiah.
"Ganon na nga, love" Sagot pa nito kaya taka naman ng tumingin sa akin si Mikha.
Alam kong hindi kayang magalit sa akin ng mga ito.
Hindi sa sinasamantala ko yon pero ngayon lang hanggang sa malaman ko lang talaga ang lahat.
"May dinaanan lang kami, may naiwan kasi siya kaya sumadya na lang kami sa bookstore" Pagsisinungaling ko na kaya titig na titig naman na sila sa akin.
"Hindi ka marunong" Nasabi na lang ni Jhoanna kaya napailing na lang naman si Mikha.
"True the fire" Rebat pa ni Aiah.
"True the rain" Dagdag pa ni Stacey kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.
Tahimik na lang naman kaming kumain ng bigla naman dumating ang tatlo pang kaibigan ni Mikha na mayroon dala-dalang kape.
Gusto ko rin ng kape.
"Hi guys!" Bati na ni Sheena at isa-isa na kami bineso na akala mo e hindi kami nagkita kahapon.
"Oh ito iced coffee, libre ni Colet" Anunsyo na ni Gwen at isa-isa na inabot sa amin ang kape.
"Ayy bakit?! Anong meron?" Intrigang tanong nanaman ni Stacey kaya napailing na lang naman ako.
Ito talaga si kailangan alam lahat.
"Nabanggit kasi noon ni Mikha na mahilig nga kayo magkape kaya naisip kong bumili na rin para sa inyo nung mapadaan kami sa coffee shop" Sagot ni Colet kaya kunwari naman nagpatango-tango si Stacey.
"Naisip mo lang ba talaga o gusto mo lang magkaroon ng rason para lumapit kay Maloi?" Seryosong tanong na ni Jhoanna kaya lahat naman kami napatingin sa kaniya.
"Jho" Tawag ko na sa kaniya pero tumayo na lang naman ito at kinuha na ang gamit.
"Una na ako sa room" Usap pa niya bago kami tuluyang iwanan.
"Jho" Muling tawag ko sa kaniya pero hindi naman na ako nilingon nito.
Ayoko ng ganito kami.
Ayoko.
Pero wala na akong maintindihan.
"Sundan ko na lang muna" Paalam na rin ni Stacey sa amin at mabilis na sinundan si Jhoanna.
"I'm sorry" Bulong na sa akin ni Colet pero umiling lang naman ako dahil wala naman talaga siya dapat ikahingi ng pasensya.
Wala nga ba?
"Love, hanggang kailan ba pasahan niyang final project niyo para matapos na si Colet sa atin?" Tanong ni Mikha kay Aiah na ngayo'y nanatili lang na tahimik.
Sa amin siya ang mabilis na mag-alala at alam ko na dapat hindi rapat niya nararanasan tong kung anong sitwasyon ang meron kami ngayon.
I'm sorry, Aiah.
"Hmm, before finals pa love" Matamlay ng sagot ni Aiah kaya agad naman hinawakan ni Mikha ang kamay nito.
"Breathe" Rinig ko ng bulong ni Mikha kay Aiah kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.
Dapat ko na ba tong layuan?
Lahat kami nagugulo na.
Parang hindi na tama.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...