"Isang linggo ng hindi sumasabay sa atin si Maloi ah" Malungkot na aniya na ni Jhoanna sa mga kaibigan.
"Kaya nga e, nung huling beses na nakasabay natin siyang mag lunch nung umamin si Colet sa kaniya" Dagdag na usap pa ni Aiah kaya napailing na lang naman ang nobya nitong si Mikha.
"Si Colet din huling kasama niya noon, madilim na rin sila nakauwi nung araw na yon sabi ni tita" Usap ni Mikha habang patuloy pa rin siya sa paggawa ng plate niya.
"Nagkakamabutihan na ba sila?" Takang tanong na ni Stacey habang nag ffoundation at napangiti na lang din naman si Jhoanna habang nakatitig sa nililigawan.
"Mali! Ang tanong, tama lang bang magkamabutihan silang dalawa?" Tanong pa niya at binaba na ang make up niya at tumingin na sa mga kaibigan.
"Wala naman na tayong magagawa e, nandiyan na yan, isa pa, masaya si Maloi e" Sagot ni Jhoanna at napabuntong hininga na lamang.
"Kita niyo ba yung ngiti niya? Ramdam niyo ba yung saya niya? Excited siya lagi pumasok, excited din sa dismissal parang ang hirap naman hadlangan ng kaligayahan niyang yon" Dagdag na usap pa ni Jhoanna kaya napatingin naman na sa kaniya ang tatlong kaibigan.
"Jho, kung hindi natin pipigilan si Maloi o si Colet, alam natin lahat tayo damay, alam natin pwede siya sa atin magalit, lalo na sayo" Nag-aalala ng usap ni Stacey kaya hinawakan na lang ni Jhoanna ang kamay nito.
"Tama si Stacey, Jho"
"Kung magkataon na malaman niya ang lahat at magalit siya sa atin, sayo talaga siya mas magagalit"
"Dahil pagbalik-baliktarin man natin ang mundo walang lihim na hindi nabubunyag dito, ikaw ang may alam ng lahat, Jho " Nag aalala na rin aniya ni Aiah sa kaibigan kaya napatango na lang naman si Jhoanna.
"Umpisa pa lang alam ko na darating at darating kami sa puntong iyon, lalo na nung tumagal at lumalim na samahan natin lahat, alam kung masasaktan ko si Maloi, alam kong pwede siyang magalit sa akin at ipagtulakan ako palayo"
"Alam ko naman , simula't sapul pa lang na mabuo tayo e may kasalanan na ako sa kaniya, hindi naman din niya ako masisise kung bakit nagawa ko yon, mahalaga siya sa akin e, mahal ko siya e"
"Matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya lahat pero natatakot ako noon hanggang sa tumagal na nang tumagal" Nakangiti ngunit ramdam ang lungkot na usap ni Jhoanna sa mga kaibigan.
"At hanggang ngayon natatakot pa rin ako, mahalaga sa akin si Maloi at naguguilty ako na pati kayo damay sa gulo namin" Dagdag na usap pa nito kaya niyakap na lang naman siya mula sa likuran ni Stacey at hinalikan ang ulo nito.
"Alam ko kayo ang mas may kakayahan na lumapit sa kaniya kapag dumating na ang oras na yon, kayo na bahala mag paalala sa kanya kung gaano ko siya kamahal ah, mahal na mahal ko yon si Maloi" Naiiyak ng aniya ni Jhoanna kaya napaiwas na lang naman ng tingin si Mikha habang yakap yakap pa rin ni Stacey ang manliligaw.
"Mag tiwala ka lang, Jho, mahal din tayo ni Maloi, mahal ka ni Maloi" Nakangiting pagpapalakas na ng loob ni Aiah sa kaibigan habang hawak hawak na rin ang kamay nito.
~~~~~~~~~
"Ma?" Tawag ko na kay mama ng makapasok na ako sa loob ng bahay. Alam kong narito na siya dahil nandito ang sasakyan niya.
Pero may hindi ako familiar na motor na nakita sa garahe kaya dahan-dahan pa akong pumasok dahil baka may bisita ang mama ko.
"Jhoanna?" Nag-aalala ng tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang iyak nang iyak habang yakap-yakap si mama.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...