"Ikaw na yung gusto ko, Col"
Natawa na lang naman ako ng makitang biglang nanlaki ang mata nito at hinarap na ang mga kaibigan.
"Piskit naman oy!"
"Mikha!! Gwen!!" Pero hindi siya narinig ng dalawa na busy pa rin sa pag aasikaso ng pagkain kaya tinawag na niya ulit ang dalawa.
"Gwen!! Mikha!!"
Malakas na paulit-ulit na tawag niya sa dalawa kaya taka naman akong napatingin sa kaniya at ganon din naman ang dalawa habang papalapit sa amin dalawa ni Colet.
"Ang oa mo ngayon" Saway sa kaniya ni Gwen na siyang dahilan ng mahinang pagtawa ko.
Actually silang dalawa talaga lately, mga oa.
"Ingay naman, ano bang meron?" Takang tanong na ni Mikha habang dala-dala ang dalawang plato na mayroon laman na pagkain.
Sa kanila siguro ni Aiah.
"La Union tayong lahat this weekend, libre ko!" Masayang balita niya kaya agad naman napatingin sa akin ang dalawa.
"Anong ginawa mo?" Takang tanong na ni Mikha sa akin kaya nagkibit balikat na lang naman ako.
"The best ka, Maloi!" Nakangiti ng aniya pa ni Gwen kaya napailing na lang naman ako.
"Libre?" Biglang sulpot pa ni Stacey kaya napahilamos ko na lang naman ang palad ko sa mukha ko.
Isa pa to!
"Libre" Ngiting-ngiti na sagot ulit ni Colet kaya napangiti na lang naman ako.
Ang cute, kainis!!!
"Mag iimpake na ako pag uwi, siguraduhin mo lang na libre talaga yan" Biglang sulpot naman din ni Jhoanna sa tabi ko kaya lahat naman kami ay napalingon sa kaniya.
"Bakit?" Takang tanong pa niya sa akin ng makitang nagtataka akong nakatingin sa kaniya pero niyakap ko na lang naman ito.
"I love you" Nasabi ko na lang sa saya.
Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya hahahahaha. Siguro dahil nitong nakaraan lang banas talaga tong si Jhoanna kay Colet tas ngayon, hays! May himala!
"Basta kung san ka masaya" Bulong pa niya kaya lalo ko na lang naman itong niyakap.
Maya-maya pa ay hinila na kami nila Aiah at Mikha sa pool kaya wala naman na kaming nagawa kung hindi ang maligo.
"Yves!" Tawag sa akin ni Maki kaya agad naman akong napalingon dito.
"Oh? Maki? Ayos ka lang?" Tanong ko na sa kaniya ng abutan na niya ako ng beer in can.
"Salamat sa pag invite, pakiramdam ko tuloy welcome party to para sa amin sa sobrang saya ni Mommy at Maki" Natatawang sagot niya kaya natawa naman ako.
"Timing nga e"
"Tsaka tignan mo si mama oh, halatang namiss mommy mo, malamang sa malamang niyan e babawiin nila yung oras na hindi sila nagkasama ni tita" Usap ko na siya naman sinang ayunan ni Maki.
"Totoo, e tayo ba?" Biglang tanong niya na siyang nagpatigil talaga sa akin.
"Huh?"
Hoy gagi ka! Anong tayo? Huhuhu.
"Tagal natin hindi nagkasama, Yves"
"Syempre katulad ni Mommy at Tita gusto ko rin mabawi natin yung panahon na hindi tayo nagkasama" Nakanguso ng usap niya kaya napatango na lang naman ako.
"Namiss talaga kita e"
Saglit ko pa naman nilingon si Colet na siyang seryoso nanaman kausap ng mga kaibigan ko.

YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...