KABANATA XXXI

596 28 3
                                    

"Direk, may naghahanap po sa inyo" Bulong sa akin ng isang staff.

Napalingon naman na ako sa kung saan at doon ko nakita si Colet na nagmamadali.

"Bakit ka nandito?"

"Kailangan ka ni Jho" Sagot niya.

"Huh? Anong nangyari?" Tanong ko at binigay na sa isang staff ang headphone ko.

"Nasa hospital si Jhoanna kasama buong pamilya niya" Hindi naman na ako nakapagsalita at nilapitan na ang assistant director ko.

"Tara na" Yaya ko na sa kaniya matapos magpaalam sa kasama ko.

Nauna naman na siyang naglakad sa akin papunta sa kotse niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto kaya wala naman na akong nagawa kung hindi sumakay na lang din.

Siguraduhin mo lang na ayos ka, Jhoanna.

"A-ano bang nangyari? Bakit nasa hospital nanaman si Jhoanna? Si Calix?" Tanong ko pa habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

"Okay si Calix, ako kasama niya kanina"

"At si Jhoanna?"

"Magkakasama sila sa sasakyan ng pamilya niya ng banggain at pagbabarilin ang sasakyan nila ng kung sino" Sagot nito na siyang lalong nagpakaba sa akin.

"ANO?!"

Hindi ko na alam kung may sinasabi pa siya, hindi ko na alam kung ano na nangyayari. Natauhan na lang ako ng pumasok na kami sa hospital at sundan si Colet sa kung saan.

"Staks" Tawag ko na kay Stacey na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Si Jho"

"Si Jhoanna" Tanging usap niya kaya niyakap ko na lang naman ito.

Tangina, ano bang nangyayari?

"Ma?" Tanong ko na kay mama pero umiiyak din itong humarap sa akin.

"Nasa operating room ang kapatid mo" Tanging usap niya kaya hindi naman na ako nakapag-usap.

Ano ba?!

Si Calix, hawak ngayon ni Sheena at Gwen.

Si Aiah at Mikha naman si mama ang inaalalayan.

Si Colet na duguan rin pala ang damit habang kausap ang mga pulis.

Hindi ko napansin iyon kanina.

"Staks" Tawag ko na rito.

"Magiging okay si Jhoanna, magiging okay ang fiancé mo, ha" Usap ko rito at hinalikan na ang noo nito.

"Tatagan mo lang ang loob mo para kay Jho" Dagdag ko pa at hinagod-hagod na ang likod nito.

Akala ko ba ligtas na sila? Akala ko ba tapos na ang banta sa buhay ng pamilya nila?

"Iuuwi na muna nila Gwen si Calix sa kanila"

"Hindi ba delikado pa? Baka kung paano pa ang bata?" Nag-aalalang tanong ko kay Mikha.

"May inutusan na si Colet na magbabantay sa kanila, dinamihan na niya rin para sigurado, may ilang mga pulis na rin silang kasama para sa dagdag proteksyon" Sagot niya.

Hindi ako pabor sa gusto ni Colet na mangyari pero hindi rin naman tama na magtagal pa dito ang anak niya at masaksihan ang ganitong nangyayari.

"Sino po ang pamilya ng mga pasyente?" Tanong ng doktor ng lumabas na ito sa operating room.

Agad naman lumapit si Colet sa mga doktor.

"Colet Vergara, apo ni Mr. Filomeno"

"Ms. Vergara, I'm sorry pero tatapatin na kita, ginawa na namin lahat ng magagawa namin pero ikinakalungkot ko ibalita na hindi na nakayanan ni Mr. Filomeno at Mrs. Filomeno ang operasyon, sa kanilang lima silang dalawa ang maraming tinamong bala, sa kanilang lima sila ang mas napuruhan"

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now