"Hindi niyo naman po sinabi sa akin na kilala niyo pala mama ni Jhoanna" Usap ko na kay mama ng makauwi na kami sa bahay.
"Hindi ka naman nagtanong" Sagot niya at naupo na sa sofa. Natawa na lang si Aiah sa kalokohan ni mama kaya inirapan ko na lang naman ang mga ito.
Pumunta na lang din ako ng kusina para kumuha ng tubig para sa kanila ni Aiah.
Baka sakaling mahimas-masan at tumino.
"Antok na talaga ako, Loi! Akyat na muna ako, tita pahinga na rin po kayo" Bilin pa niya kay mama.
"Una ka na, anak, magpapahinga na rin ako maya-maya" Sagot ni mama kaya napatango na lang naman si Aiah bago tuluyang umakyat papunta sa kwarto ko.
Napatingin na lang naman ako kay mama na ngayo'y tahimik na nakasandal sa sofa at nakatingala sa kisame.
"Ma, paano niyo po siya nakilala? Ni hindi nga nagawang makuha ni Jhoanna na ipakilala sa akin yung pamilya niya" Tanong ko na kay mama kaya agad naman siyang napalingon sa akin.
"Magkaibigan ang mommy niya at ang lola mo, tubong Batangas din ang mga iyon, ang totoo niyan, magkabigan matalik kami noon ng mommy ni Jhoanna, magkababata" Kwento ni mommy kaya hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Seryoso?! Hindi ko alam na related na pala kami ni Jhoanna noon pa, imagine magkaibigan mga lola namin pati mga nanay namin tas ngayon, kami" Manghang-manghang aniya ko kaya napangiti na lang naman si mama.
"Pero kung ganon? Bakit parang hindi kayo okay, ma?" Takang tanong ko na sa kaniya.
"May galit ka ba sa kaniya? Ni halos iwasan mo na siya kanina e"
"Hindi ko kayang magalit sa kung sino, anak. Masyado lang talaga maraming nangyari noon, ni ayoko na nga balikan, okay na kasi ako, mas okay at mabuti na ganitong kaswal na lang talaga kami sa isa't isa" Totoong sagot ni mama at nakangiting tumingin sa akin.
"Hindi naman po siguro makakaapekto sa pagkakaibigan namin ni Jhoanna yung nangyari sa inyo noon, hindi ba, ma?" Nag aalangan na tanong ko sa kaniya kaya bahagya naman siyang natawa.
"Kung makakaapekto edi sana noon pa ako hindi sumang ayon sa pagkakaibigan niyo ni Jhoanna, at isa pa, walang kinalaman si Jhoanna sa isyu namin ng mommy niya, mabait na bata si Jhoanna parang anak ko na nga e, mahal ko yung batang yon, aalagaan ko ba naman sa hospital kung hindi"
"Hindi ko alam kung anong nangyari pero sana talagang okay ka na, ma, sana okay na rin ang puso mo" Nasabi ko na lang at niyakap na ang mama ko.
"Nandito lang ako" Bulong ko pa kay mama at hinalik-hinalikan na ang pisnge niya.
"Ikaw lang talaga importante anak, ikaw na lang ang meron ako kaya hindi ko talaga kakayanin kung pati ikaw mawawala sa akin" Seryosong usap na niya sa akin kaya napanguso na lang naman ako.
"Hindi naman mangyayari yon, oa talaga" Asar ko na sa kaniya kaya naiinis naman na niyang hinampas ang kamay ko.
"Hindi talaga bagay drama sa atin, mag ina" Natatawang sabi ko na lang kaya natawa na lang din naman siya.
"Maligalig kang bata ka e"
"Mana lang sayo, ma"
Hindi ko na siya pipilitin na sabihin kung anong nangyari dahil sa kaniya na rin mismo nanggaling na ayaw na niya balikan ang mga nangyari noon. Sana lang talaga okay na si mama. Sana okay ang puso niya at hindi na siya nasasaktan sa kung anuman nangyari noon sa kanila.
Pasalamat pa rin ako na hindi kami apektado ni Jhoanna. Na okay ang pagkakaibigan namin kay mama, sa mama kaya ni Jhoanna?
"Hi" Bati sa akin ni Colet ng puntahan ko na ito sa labas ng gate.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...