KABANATA XXX

626 30 3
                                    

AFTER 2 years...

"WELCOME HOME, DIREK!"

Saglit pa akong napatigil sa paglalakad ng makita ko na ang pamilya at kumpletong mga kaibigan ko na may dalang bulaklak at tarpaulin na meron pang mukha ko.

Kahit kailan talaga.

"Welcome home, anak" Niyakap ko na lang naman si mama ng mahigpit ng salubungin na niya ako at ganon din naman siya sa akin.

"I miss you ma"

"I'm so proud of you! Ang galing-galing mo anak" Napanguso na lang naman ako at muli siyang niyakap.

"Salamat, ma! I love you" Sagot ko.

Saglit ko pang tinignan ang kapatid ko na ngayo'y pusturang pustura at halatang nang galing pa sa kumpanya nila. Kapansin-pansin naman ang lalong pag ganda ng itsura nito na halatang alagang-alaga ng fiancé niya.

"Hi, President Jhoanna Robles" Bungad ko sa kaniya.

"Hello, Multi-awarded producer-director Maloi Ricalde" May nagingilid na luha sa mata niyang sagot.

"Halika na nga" Agad siyang lumapit sa akin at niyakap na rin ako ng mahigpit.

"Huwag ka ng umalis ng ganon katagal, ate"

"Please lang" Pakiusap pa niya kaya natawa na lang naman ako.

"Hina na, promise" Sagot ko habang natatawang pinupunasan na ang luha sa mata niya.

"Alam ko marami kang natatanggap na flowers don pero mas the best to!" Pagbibida pa niya ng iabot na sa akin ang bulaklak.

"Salamat"

Sa dalawang taon, hindi naman ako nawalan ng komunikasyon sa pamilya at mga kaibigan ko. Nagkakamustahan pa rin naman kami kapag may oras. Pare-parehas din naman kaming nabusy sa dalawang taon na yon.

Si Jhoanna, sa kaniya na pinaubaya ang pagpapatakbo ng kumpanya ng pamilya nila, na siyang naging malinis at maayos dahil sa tamang pagpapatakbo nito. Ang kaniyang long-time fiancé at ganggang na kaibigan ko naman na si Stacey ay nagpatuloy sa pagmomodel, may ilang international fashion show na rin siyang pinuntahan at isa na ang isang show noon sa Los Angeles kaya naman ay hindi ko pinalagpas ang araw na yon. Mahirap kunin ang oras ng isang presidente ng kumpanya at model.

In short, parehas busy ang mga loko. Ngunit dahil sila ay hindi mabubuhay na wala ang isa't-isa lagi pa rin sila may oras sa isa't-isa.

Sa mga litrato pa lang na pinapadala nila lagi sa akin ay halatang hindi pa rin sila sawa  sa isa't-isa. Pero ako? sawang-sawa na sa mukha sa mga litratong pinapadala nila. Kidding.

"Buti naman at umuwi ka pa" Bungad sa akin ni Stacey.

"Actually, two weeks lang"

"Utot mo!" Inis na sabi niya at niyakap na ako.

"Ayusin mo na dapat mong ayusin para matuloy na kasal ko" Bulong niya sa akin na pinagtaka ko.

"Huh?" Taka naman akong tumingin sa kaniya ng humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Basta, itutuloy ko lang pag may partner ka na" Sagot niya.

"Gaga!"

At syempre, ang og couple at matibay pa sa mga bato sng pyramids of giza na si Aiah at Mikha na engaged na rin one year ago. Sayang lang at hindi ko nasaksihan ng personal ang proposal ni Mikha kay Aiah pero mabuti na lang at free ako at nakavideo call ko sila ng mga oras na yon. Gaya ng nakatadhana, si Mikha Lim ang nagpatuloy ng Architectural Firm nila at habang si Aiah naman ay pinagpatuloy na ang pag po podcasting na siya naman hinangaan at sinubaybayan ng madla dahil na rin sa magagandang topic at advice nito.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now