KABANATA XXIX

557 24 0
                                    

"Ikaw ba talagang hindi ka na papapigil?" Pang isang daang tanong na ni mama sa akin mula ng malaman ang mga desisyon ko sa buhay kaya napanguso na lang naman ako.

"Ma naman"

"Ahhh basta ah, tawagan mo ko lagi, pag gusto mo ng umuwi, umuwi ka na sa amin" Bilin pa niya at niyakap na ako ng napaka higpit.

"Alagaan mo ang sarili mo roon, mag-isa ka lang doon, malayo kami sayo ng kapatid mo, kaya ingatan mo sarili mo ah, alam kong kaya mo at mula pa noon, proud na proud na si mama sayo" Hinalikan ko naman na ng matagal ang pisnge niya at natatawang pinupunasan na ang luha niya kahit na patuloy na rin ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

Dalawang buwan ko rin pinag-isipan. Dalawang buwan na rin ako hinihintay ng oportunidad para mas mahasa ako sa bagay na gusto kong gawin. At ngayon, buo na ang loob ko. Kaya naman ay nandito na kami ngayon sa airport kasama si mama, kapatid ko at mga kaibigan ko.

"Ingat ka rito ma, huwag mo pababayaan sarili mo, dalawang taon lang yon, mabilis lang ako, magugulat ka na lang nasa sala na ako sa bahay" Biro ko pa sa kaniya at hinalikan ulit ang pisnge niya.

"Jho" Tawag ko na kay Jhoanna na kanina pa nagpipigil ng luha.

Feeling strong naman.

"Ingat ka ron, tumawag ka lang pag may problema, darating ako" Usap niya ng yakapin ako ng mahigpit. Niyakap ko naman na siya pabalik at tumango.

"Huwag ka masyadong magpakapagod ah, makinig ka kay Stacey. Mag-iingat ka lagi at please paki doble ang bodyguard mo kung kinakailangan" Pakiusap ko pa sa kaniya pero umiling na lang naman ito.

"Okay na, huwag ka na mag-alala" Sagot pa niya kaya pinunasan ko na lang naman ang luha niya.

"ikaw na muna bahala kay mama" Bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango.

"Kay tita ma lang ba talaga?" Tanong pa niya kaya napangiti na lang ako.

"Masanay ka ng hindi siya binabanggit sa usapan, para sa pamangkin mo, Jhoanna" Sagot ko at napabuntong hininga na lang naman ito.

"Basta tumawag ka sa amin araw-araw, sabihin mo lang kung gusto mo ng kasama bibisitahin ka namin don agad-agad" Bilin pa niya.

""Oo na nga po" Sagot ko at hinalikan na rin ang pisnge niya.

Nung araw na tawagan ako ng kapatid ni mama tungkol sa ilang workshop at job opportunity sa Los Angeles ay si Jhoanna ang unang nakaalam dahil sa kasama ko siya nung araw na yon at narinig niya rin mismo ang naging usapan namin ni tita. Nabigla ba siya? Oo. Natakot ba siya para sa kaligtasan ko? My god! Ang oa ng kapatid ko sa part na yon. Pero kahit ganon hindi niya ako pinigilan, hindi siya tumutol pero ramdam na ramdam ko ang lungkot.

"Pag sinagutan mo yang form na yan, dalawang taon ka namin hindi makikita" Agad ko naman siyang nilingon.

"Jho" Tawag ko sa kaniya pero nanatili lang naman siyang nakatitig sa form ma nasa screen ng laptop ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakauwi na pala ang kapatid ko.

Ilan minuto na rin ako nakatitig sa form.

Dalawang buwan ko na rin pinag-iisipan.

Nakakabwisit lang na inabot ako ng dalawang buwan kakaisip dahil mas lamang pa ang araw na si Colet at sila mama ang nasa isip ko kaysa sa trabaho mismo na naghihintay sa akin sa ibang bansa.

Hays!

Hindi malaman kung sasagutan na ba o hindi.

"Pero mabilis lang din siguro yung dalawang taon, alam ko rin naman na para sayo ito, pagkakataon mo na 'to para ilabas yang galing mo at alam ko na hindi lang ito tungkol sa pangarap mo dahil kung tutuusin kayang-kaya mo yon abutin dito kahit hindi ka umalis"

"Jhoanna"

"Kayang-kaya mong maging isang magaling na direktor sa industriya, ate"

"Pero kung mas gusto mong abutin yon ng mas maluwag sa dibdib, na walang masyadong sakit na nararamdaman at isipin, hindi ka namin pipigilan, susuportahan ka naming umalis" Nakangiting usap na niya sa akin at ginulo na bahagya ang buhok ko.

"Sagutan mo na kung ayan ang gusto mo, alam kong matagal mo ng gusto iyan, hindi ka namin pipigilan kung pakiramdam mo mas makakatulong sayo ang magpakalayo-layo sa magulong sitwasyon na meron ka ngayon"

"Huwag kang mag-alala, ako na bahala kay tita ma, liparin ka na lang namin don kapag hindi na namin kaya, pero sa ngayon huwag mo muna kami isipin, ikaw naman"

"Sarili mo naman" Usap pa niya sa akin bago tuluyang halikan ang ulo ko at mabilis na tumalikod para umakyat na sa kwarto niya.

"I love you, Jho" Sigaw ko.

"Mas mahal kita, ate"

"Mas nauna pang umiyak sa akin mapapangasawa ko, ate" Bulong pa niya ng lingunin na namin si Stacey.

"Nakaraan pa yan umiiyak, akala mo siya yung kapatid" Napapailing na usap pa ni Jhoanna habang nakatitig sa nobya.

"Halika nga, mukha kang tanga kakaiyak" Tawag ko na sa kaniya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Sister-in-law ko mamimiss kita" Umiiyak na talagang usap niya ng yakapin lalo ako
ng mahigpit.

Niyakap ko na rin naman ito ng napakahigpit at niyaya na si Aiah sa yakapan namin ni gagang Staku.

"Mamimiss kita pero at the same time excited din ako para sayo, Future Director" Nangingiyak na usap na rin ni Aiah kaya napanguso naman ako.

"Thank you, Aiahkins" Sagot ko at niyakap na sila pareho ni Stacku.

"Ngayon lang tayo mapapalayo ng ganito sa isa't-isa kaya hayaan mo na kami" Umiiyak na rin dagdag na usap niya kaya mukha na kaming tangang nag-iyakan tatlo lalo dito.

Ilan minuto pa na pag iinarte namin nila Aiah at Stacey ay napalingon naman na ako kay Mikha na kanina pa rin lilingon-lingon kung saan.

"Okay ka lang? Hindi mo ba ako mamimiss?" Kunwaring tampo ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Pwede bang huwag ka muna umalis?" Tanong pa niya na siyang kinagulat ko.

"Mikhs"

"Or kahit bukas na lang, ako na bahala sa ticket, saglit na lang, Loi" Usap pa niya at tinignan na ang relo niya.

Kung si Gwen at Shee. Mahihintay ko pa sila bago umalis.

Pero kung si Colet? Baka hindi na ako umalis.

Pero ayokong magtanong, ayokong malaman pa kung bakit, kaya mas maganda kung aalis na lang ako ng tuluyan na walang nalalaman.

"Sira! Mas clingy ka pa kay Jho" Biro ko na rito at niyakap ko na rin siya.

"Maloi" Nasabi na lang niya na para bang hindi na alam ang sasabihin.

"Kailangan ko 'to, Mikha" Nasabi ko na lang ng yakapin ko na siya. Niyakap naman na niya ako pabalik at hindi na nagpumilit.

"Masakit pa rin, masakit pa rin, Mikhs"

"Hihinga lang ako, pawawalain ko lang yung sakit" Usap ko pa. Naramdaman ko naman na napatango na lang siya at ginulo na ang buhok ko.

Ilang minuto pa kami nag iyakan at nagpaalam sa isa't-isa bago ako tuluyang maglakad sa kanila palayo. Hindi ko naman na sila nilingon pa dahil alam ko na malaki ang tyansa na hindi na ako tumuloy pag nagkataon.

Hihinga lang ako. Hihinga lang.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now