KABANATA XXVI

1K 30 1
                                    

"Uwi na tayo" Nakangusong bulong sa akin ni Stacku kaya hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Girl? Kakapasok lang natin, huwag kang oa tsaka kasama niya si mama kaya huwag ka na masyadong mag-alala diyan" Usap ko na sa kaniya kaya mas lalo naman siyang napanguso.

"Sige na ako na muna lalambing sa baby ko na yan" Natatawang usap ko na sa kaniya ng yakapin ko siya.

"Teh, maghipag na tayo sa susunod, mandiri ka nga!" Saway na niya sa akin kaya natawa na lang naman ako.

"Patay na patay naman kay Jho" Asar ko pa sa kaniya.

"Kung alam mo lang, kung ako patay na patay, yung kapatid mo bungo na" Rebat pa niya kaya mas lalo naman akong natawa.

Siraulo talaga.

"Aga mo yata?" Tanong ko na kay Aiah na isang minuto na lang at malelate na.

"Kasi naman hindi ko maiwan-iwan jowa mo ron sa cafeteria kanina" Sagot niya sa akin kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ako nakapag breakfast kaya doon ako dumiretso, sakto naman na nandoon jowa mo at gusto raw ng kape kaya nagpalibre na ako. Yun nga lang, sa kasamaan palad, dumating ex niya kaya hinila niya ulit ako, ayaw magpaiwan hahahahahaha tatakbo na nga sana kami palabas kaya lang nakita pa kami" Natatawang kwento niya kaya kunot noo naman siyang tinignan ni Stacku.

"At ano naman ginawa ng bruha kong hipag?" Inis na tanong ni Stacku kaya gulat naman kaming napatingin sa kaniya ni Aiah.

"Hipag agad?" Takang tanong ni Aiah.

"Bruha talaga?" Tanong ko rin.

"Wala naman, pinaalala lang kay Colet yung appointment daw nila, e yung isa naman hindi raw pupunta hanggat wala si Jhoanna" Kwento ni Aiah kaya agad naman siyang tumingin sa akin.

"Alam mo ba yung tungkol don? Nagsabi ba sayo si Colet?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumango.

"Nabanggit niyang may inaasikaso nga sila ni Jhoanna, hindi ko naman na inalam kung ano dahil alam ko naman na tungkol sa kumpanya ng kaniya-kaniya nilang pamilya yon at isa pa, hindi ko na magawang magselos kasi alam ko naman na kahit anong gawin ko, magkikita at magkikita ang dalawang yon"

"May tiwala ako kay Colet" Sagot ko at sabay naman na tumango ang dalawa.

"Sabagay, sigurado naman akong mahal ka talaga non ni Colet saksi kami ni Mikha roon, kaya lang wala talaga akong tiwala ron sa bruha" Usap na ni Aiah kaya agad din naman napatingin sa kaniya si Stacey.

"Oh diba, nakibruha ka rin" Usap pa nito at sabay apir kay Aiah.

Matapos ng napakahabang araw sa school ay sinundo naman na kami ni Colet sa room para sabay-sabay na umuwi sa bahay. Habang ang dalawang couple naman ay may kaniya-kaniya munang dinaanan.

"Gising na kaya ang asawa ko?" Tanong na ni Stacey sa likod kaya sabay naman kaming napatingin ni Colet sa rear mirror.

"Iba tama mo ah" Natatawang usap na ni Colet kay Stacey kaya natawa rin naman ako.

"Kung ako pistol ang tama, si Jhoanna, shotgun! ganon kalakas tama non sa akin" Rebat pa niya na siyang lalong kinatawa namin.

"Sabi ko sa inyo e" Usap pa niya ulit ng ipakitang tumatawag na si Jhoanna.

"Yes, asawa ko? Kamusta ka na? Buhay ka na?" Bungad na tanong niya ng sagutin ang tawag kaya lalo naman kaming natawa ni Colet.

"Ayy! Kasalanan mo po yan kasi napaka tigas ng ulo mo, pinakiusapan kita na umuwi na muna pero hindi ka nakinig" Sermon na niya.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now