"Tignan mo 'to! Siya yung nagtatampo sa bebe ko pero siya yung huli sa diskusyon" Rinig ko ng usap ni Stacey sa sala ng makapasok na rin kami sa loob ni Colet.
"Nagtatampo nga e" Rebat pa ni Mikha sa kanya habang nakaunan sa hita ni Aiah.
"Taray, Staks! Kung maka bebe na ngayon" Asar pa ni Aiah kaya proud na proud naman umawra sa harap nito si Stacey.
Oa.
"Ahh dumaan pa kasi kami sa coffee shop para bumili ng kape, alam niya nga kasi na nandito na kayo" Sagot naman na ni Colet sa kanila kaya agad naman kinuha ni Stacey sa kaniya ang mga kape.
"Hindi mo naman agad sinabi" Usap pa nito kaya napailing na lang naman ako.
"Thank you!"
Isa-isa naman na niya binigyan ang mga kaibigan ko at sakto rin naman na dumating na si Mama kaya inabutan na rin niya ito.
"Nasaan si Jhoanna?" Tanong na ni mama ng isa-isa na kaming bumati sa kaniya.
"Sa taas po, nagbibihis na" Sagot ni Stacey kaya agad naman napatango si mama.
"Si manang, nagluto ba ng hapunan bago umuwi?" Tanong pa ni mama sa mga ito kaya agad naman sumagot si Aiah.
"Yes po tita, halos kakaalis-alis lang din po"
"Iwan ko muna tong kape ko rito, bibihis lang ako, mag uusap-usap tayo" Seryosong usap pa niya kaya napailing na lang naman ako.
"Upo ka muna, bibihis na lang din muna ako" Usap ko na kay Colet kaya napatango na lang naman ito.
Ilang saglit pa ay hinain na nila Jhoanna at mama ang pagkain kaya tinawag naman na nila kami para maghapunan.
"Jhoanna?" Tawag na ni mama kay Jho ng halos hindi na nito galawin ang pagkain niya.
"Po?"
"Kumain ka" Usap ni mama kaya napilitan naman na ang isa na kumain.
Sa kalagitnaan ng hapunan ay nakatanggap naman na ng tawag si Jhoanna kaya saglit pa siyang nag excuse sa amin.
"Mukhang seryoso talaga problema nila" Rinig ko pang usap ni Mikha kaya agad naman akong napalingon kay Jhoanna na ngayon hawak-hawak na ang sentido.
Kita ko rin naman na nag-aalala na rin tumingin si mama kay Jhoanna at inis na nilabas ang cellphone niya para magtext.
Kilala na kaya ni mama magulang ni Jho? Kasi naman pamilya pa lang nung tatlo ni Aiah, Mikha at Stacey ang alam kong namimeet namin ni mama.
"Explain" Usap na ni mama pagkaupo na pagkaupo ni Jhoanna sa upuan niya.
"T-tita" Nauutal na tawag na ni Jhoanna kay mama at saglit pang lumingon sa akin.
"Tita pwedeng tayo na lang po mag-usap?" Tanong pa niya kaya saglit pang napatingin sa akin si mama.
"Ako yung nagtatampo tas sa akin hindi magsasabi"
Napabuntong hininga na lang naman siya at napasandal na lamang sa upuan niya.
"M-may problema sa kumpanya sila Daddy" Sagot na niya ng tignan na si mama at Colet.
Oh diba, hindi rin ako matiis.
Saglit pa akong napatingin kay Colet pero nasa akin naman ang tingin nito.
Kahit kailan rin talaga.
"Nasangkot yung kumpanya nila sa illegal underground transactions na pinasok ni mommy at lolo" Sagot ni Jhoanna kaya hindi naman makapaniwalang tumingin si mama rito.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...