"Wala na sila?" Takang tanong na ni Colet ng sunduin na nito ako sa classroom habang lilinga-lingang hinahanap sila Aiah, Jhoanna at Stacey.
"Alam nilang susunduin mo ko kaya hindi na sila umangal tsaka may pupuntahan daw silang mga couple kaya, ayon!" Sagot ko sa kaniya habang kinuha naman na niya ang bag ko sa kamay ko.
Kaya ko naman.
"Hoy! Akin na yan, kaya ko naman"
"Tsaka baka kung ano pa isipin nila sa akin"
"Sabihin pa nila ginawa lang kitang taga bitbit ng bag ko" Sunod-sunod na usap ko sa kaniya habang nakatingin lang naman ito sa akin at ngumiti.
"Alam kong kaya mo pero hayaan mo lang ako tsaka wala naman akong pake sa iisipin at sasabihin nila, buhay ko 'to gagawin ko kung ano magpapasaya sa akin"
"Kahit nga alipinin mo ko rito, okay lang" Natatawa pang aniya niya kaya napailing na lang na lang naman ako.
"Sira!"
Nagtungo na lang naman kami sa parking lot bago pa mapunta sa kung saan ang usapan. Hinayaan ko na lang naman siya sa kung saan niya ako gustong dalhin para wala ng mahabang diskusyon pa.
Tahimik lang naman kami sa sasakyan kasabay ng mahinang tugtog hanggang makarating na rin kami sa isang parke na hindi karamihan ang tao kaya naman ay sobrang ayos at linis.
"Hindi ko alam na mayroon palang ganito rito" Nasabi ko na lang ng yayain na niya ako maglakad-lakad.
"Hmm, edi ako pala unang nagdala sayo rito?" Tanong pa niya kaya agad naman akong tumango.
Siguro?
"Oo? Hindi ako sigurado kung may nagdala na ba sa akin dito nung bata ako" Natatawa na lang naman na sabi ko kaya nakangiti naman nagpatango-tango ito.
Ang ganda ng side profile ng isang 'to.
Kung ganito ba naman mukha ang makikita mo sa araw-araw, baka laging kang excited na matulog at magising na ito ang matatanaw.
Poganda e.
"Bago pa ako matunaw, bili na muna ako ng ice cream natin" Ngiting-ngiti usap na niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin at tumango.
Kailan ba ako huling nagkacrush?
High school?
Kay Maki?
Tagal na rin pala.
Nasaan na ba ang isang yon?
"Ang lalim niyan ah, sino ba laman niyan?" Biglang tanong niya ng iabot na niya sa akin ng dala-dala niyang ice cream.
"Salamat"
"So?" Tanong pa niya ulit sa naiisip ko kaya natatawa na lang naman akong sumagot sa kaniya.
"Wala, naisip ko lang yung unang crush ko nung high school" Sagot ko kaya agad naman kumunot ang noo nito.
"Ang random" Usap pa nito kaya napatango naman ako bilang pang sang ayon.
"Totoo, pero wala, siguro naisip ko lang na first time kung lumabas na hindi si mama at yung apat na mga kapatid ko yung kasama ko ngayon" Sagot ko ulit bago kainin na ang ice cream na bigay-bigay niya.
"Apat na kapatid? You mean, sila Mikha?" Pninigurado naman nito kaya tumango naman ako.
"Oo, only child lang naman ako, binigyan lang ako ni Lord ng apat na kapatid nung high school na ako" Sagot ko at agad naman siyang tumango ng magets na ang pinupunto ko.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...