"Alam mo nag-aalala na ako diyan sa mukha mo, kanina ka pa nakangiti" Saway ko na kay Colet ng makitang ngiting-ngiti pa rin ito habang nagdadrive.
"Kasalanan mo yan, uyab" Sagot pa niya kaya natawa na lamang ako.
"Ganyan pala epekto ko sayo uyab ah"
"Kung alam mo lang, yab! Kung alam mo lang"
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay at tumambad sa amin ang mga sasakyan ng mga kaibigan ko na nasa garahe.
"Mukhang kumpleto sila sa loob, nandito na rin si mama" Nasabi ko na lang ng maipark na rin ni Colet ang sasakyan niya sa garahe.
Pagpasok namin sa loob ay napangiti na lang ako ng makitang nagkakantahan ang mga ito na pinangunahan pa ni Mama at ni Stacey (sila talaga ang tandem sa kalokohan). Habang tuwang-tuwa naman itong vinivideohan ni Aiah na suportadong-suportado naman ng kaniya rin nobya.
Ano pa nga bang inaasahan natin kay Mikhs?
"Nasaan si Jho?" Natanong ko na lang ng dumating na rin si Colet mula sa labas at nagpalinga-linga na rin sa loob ng bahay.
"Ayan oh" Turo na ni Colet kay Jhoanna na galing sa taas na para bang masama ang pakiramdam.
"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong ko na sa kaniya pero agad lang naman itong ngumiti at umiling.
"Okay lang ako, kumain na ba kayo? Kakatapos lang namin" Tanong na niya sa amin kaya napatango na lang naman ako.
"Kumain na kami sa labas bago umuwi rito" Sagot ni Colet kaya tumango na lang naman si Jhoanna.
"Akin na yan, tamang-tama nag-iinuman sila" Nakangiti pa rin usap niya ng kunin na kay Colet ang binili naming pizza at donut para sa kanila.
"Nandiyan na pala kayo, tara, tagay!" Yaya ni Mikha sa amin kaya napailing na lang naman ako.
"Tagay daw, uyab" Bulong na ni Colet sa akin kaya napalingon na lang naman ako sa kaniya.
"Kaunti lang, magdrive ka pa pauwi" Bilin ko na lang sa kaniya pero ngumiti lang naman ito ng nakakaloko.
"Edi rito na lang ako matutulog, tabi tayo" Asar pa niya sa akin kaya iniwan ko na lang naman ito at lumapit na lamang kay mama para yakapin ito.
Pero, pwede rin naman, uyab.
"Kumain na kayo?" Tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumango.
"Hinay-hinay lang, ma"
"Tumatanda na tayo" Paalala ko na sa kaniya kaya agad naman siyang tumango.
"Yes, ma'am" Tawang-tawa na usap pa niya at agad na binigyan ng isang boteng alak si Colet ng magmano na ito sa kaniya.
"Kaawaan ka ng diyos at ng alak na ito" Usap niya kay Colet kaya natawa na lang naman ito.
"Salamat po" Nasabi na lang ni Colet ng tanggapin ang bote ng alak.
"Uyab, hinay-hinay lang, magdadrive ka pa" Bilin ko na sa kaniya.
"Uyab?!" Gulat na tanong ni Aiah habang gulat na gulat din naman tumingin sa amin si mama at mga kaibigan ko.
"Uyab? Jowa yon diba? Bisaya?" Takang tanong pa ni Stacey habang takang-takang nakatingin sa akin.
"Kayo na?!" Tanong pa ni Mikha kaya napatingin na lang naman ako kay Colet.
"Magbibihis na muna ako, ikaw na magkwento, U-YAB" Nasabi ko na lang habang diniinan ang pagtawag kay Colet at mabilis na umakyat sa taas.
"Dalian mo! Samahan mo tong magkwento rito!" Rinig kong sigaw ni Jhoanna kaya napailing na lang naman ako.
Ilang saglit pa ng makababa na ako ay patuloy pa rin sa pagkanta si Mama at Stacey habang nagkwekwentuhan na ang ilan na ngayo'y kasama na si Gwen at Sheena.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanficDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...