"Kamusta naman ang mga sissy ko na kulang sa lambing?" Bungad na bungad sa amin ni Aiah pagpasok na pagpasok nito sa bahay. Habang si Sheena, tawang-tawa naman sa pang aasar ni Aiah habang bitbit ang mga pagkain nilang pinamili.
"Yabang mo naman, boss!" Rebat ni Stacey.
"Well, ako na to!" Pagmamayabang pa niya. Napailing na lang ako.
"Oyy si uyab napapailing" Asar pa ni Sheena kaya binato ko na lang naman ito ng unan.
Bakit kami inaasar? Well, dalawang linggo lang naman namin hindi nakasama ni Stacey ang mga nobya namin dahil sa inaasikaso nila kasama ng mga attorney nila. Well, hindi naman daw totally about case or what pero need daw nila ng attorney since seryoso raw talagang bagay iyon.
"Matapos lang talaga yon, pag gising mo bridesmaid ka na" Rebat pa ni Stacey kaya natawa na lang din pati ako.
Well, hindi naman kasi talaga malabo.
Lalo na't may something tong babaeng to sa utak at ang kapatid ko. HAHAHAHAH.
"Hirap naman kasi sa mga jowa niyo, seryoso ng mga pinasok" Usap pa ni Aiah sa amin ng buksan na niya ang pizza na dala nila.
"As if hindi rin naman seryoso yang mga pinasok ng jowa niyo" Rebat ko.
"Sabagay"
"Hayy hayaan niyo na nga, kumain na muna tayo, gutom na talaga ako" Usap na ni Sheena kaya kumain na nga lang kami.
Kinagabihan...
"Oh anak gising ka pa? Dito ba uuwi si Colet?" Tanong ni mama ng makita rin ako sa kusina.
"Mukhang hindi ma, kaninang alas syete pa huling tawag niya sa akin at sabi niya nasa kumpanya pa niya siya kasama ni Jho" Sagot ko at naupo na rin sa upuan. Agad naman akong inabutan ni mama ng gatas at naupo na din siya sa tapat ko.
"Mukhang seryoso yata talaga yang problema niyan kapatid at nobya mo" Usap ni mama kaya agad naman akong napatango.
"Sana maayos na ho nila kung anuman yon, wala pa po kasing halos pahinga yung dalawa na yon, nag-aalala na nga rin po si Stacey kay Jhoanna" Sagot ko pa.
"E pero huwag niyo rin pabayaan ang sarili niyo, magpahinga rin kayo, para pag-uwi nila sa inyo may maayos silang pahinga, kayo lang naman pahinga non" Nakangiting usap pa ni mama kaya napangiti na lang din naman ako.
"Dami mo ng nalalaman ma"
"Totoo naman, nak"
"Charger kayo ni Stacey e, yumakap lang sa inyo mga nobya niyo kala mo mga mafufull charge na" Usap pa niya kaya natawa na lang naman ako.
"Oh siya matulog ka na rin, huwag mo na isipin yon, itext mo na ang nobya mo at magpahinga ka na rin" Paalam na niya at lumabas na sa kusina.
Ang dalawang linggo naging isang buwan. Tanging text at tawag na lang ang naging kumonikasyon namin.
Tanggap ko, naintindhan ko.
Pero ang hindi ko kayang lunukin
Ay yung nakita at nalaman ko.
Kinagabihan, sabay na umuwi kami ni Stacey sa bahay galing sa restaurant, may ilan kasing pinadaan si mama ng malaman niyang nasa labas kami para magpahangin.
"Kanino to?" Tanong ko na lang paglabas ko ng kotse.
"Pamilyar, oh wait?!"
"Kuya anong ginagawa niyo rito?!" Gulat na tanong ni Stacey sa isang bodyguard.
"Nasa loob po si ma'am" Sagot nito kaya inis naman pumasok si Stacey sa loob.
"Sinong ma'am?"
"Si Bruha"
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...