KABANATA XXXIV

1.2K 36 6
                                    

Natapos ang kasal nila Mikha at Aiah sa Spain ng masaya at maayos. At bilang wedding gift, ako na ang nagsilbing videographer nila sa mismong kasal nila. Hindi nila alam nung una dahil nabusy rin sila sa mismong ceremony at reception. Patago ko rin naman ginawa ang trabaho ko.

Na reveal na lang talaga ang regalo ko ng iannounce na ng host sa mismong reception nila ang video. Masaya naman ako dahil tuwang-tuwa ang dalawa sa kinalabasan ng video ko na halos ilayo na rin nila ako kay Colet kakayakap sa akin.

Isang buwan naman matapos ng kasal nila Mikha at Aiah ay siya naman pag propose din ni Gwen kay Sheena kaya tuwang-tuwa rin naman ang bata. Wala pa raw silang exact date ng kasal nila pero malamang sa malamang ay inaayos na rin nila ang lahat.

"Direk"

"Yes?"

"Magstart na po ang event"

"Okay sige, salamat"

Ngayon ang presscon para sa unang filipino movie na ginawa ko. Nakakataba lang ng puso dahil hindi pa man din nagsisimula pero ramdam na ramdam na namin lahat ang umaagos na suporta mula sa fan.

"Ito naman, direk. Maiba tayo. Ano naman masasabi niyo sa mga taong nagkakagusto sa girlfriend niyo? Na isang chairman ng kumpanya at talagang napaka gwapo naman talaga" Pabiro pang tanong ng isang press kaya lahat naman kami ay natawa.

"Actually, nanonood siya ngayon"

"Hi! Chairman Vergara" Aniya pa ng press ng tumutok sa kaniya ang camera.

"Hindi na bago sa akin na maraming nagkakagusto kay Chairman Vergara, kitang-kita naman natin kung bakit, di ba? Pero kasi ang maganda lang sa girlfriend ko. Hindi niya pinaparamdam na may kaagaw o kakompetensya ako pagdating sa kaniya. Kaya sorry na lang sa mga nagkakagusto sa uyab ko, ako inuuwian" Natatawang sagot ko.

Kilig na kilig naman maging mga artist ko kaya napailing na lang naman ako.

Kami na lang kaya bumida sa movie.

"Hi uyab! See you later" Bati ko pa sa camera at kumaway.

Natapos ang presscon ng ayos at may mga magandang feedback magmula sa pagpili ng artist at maging sa mga lumabas na trailer video.

Pagkatapos ng lahat ay sinundo na ako ni Colet kasama ang driver at bodyguard niya dahil alam niyang may ilang pang mga fans at press ang nasa venue.

"Congrats uyab" Bati niya sa akin ng ibigay na ang bulaklak na dala niya. Agad ko naman hinalikan ang labi niya tsaka ngumiti.

"Thank you"

"Ang ganda mo" Bulong pa niya kaya pabiro ko naman na siyang tinignan ng masama.

"Alis na tayo rito, kanina ka pa nila nakikita, hindi na mabuti para sa akin ito" Natawa naman ako at tumango.

Nagpaalam naman na kami at mabuti na lamang ay nagdala rin siya ng bodyguard dahil na rin sa fans na nagstay pa rin sa venue.

Hindi nagtagal ay pinahinto na muna ni Colet ang kotse sa driver niya sa tapat ng isang park.

"Dito na lang muna kami, ako na rin magdrive pauwi, sabihan mo na lang din sila na umuwi na rin at magpahinga" Utos ni Colet sa driver niya.

"Copy, chairman"

"May kailangan muna tayong pag-usapan, yab" Usap niya at bumaba na sa kotse. Hindi naman ako agad nakapagsalita agad at taka pa rin tumingin sa kaniya. Pinagbuksan naman na niya ako ng pinto at ngumiti.

"Don't worry, okay lang ang lahat" Usap pa niya ng halikan na rin ang labi ko.

Naglakad naman na kami palapit sa upuan sa ilalim ng puno. Walang masyadong tao kaya siguro ay dito na rin pinatigil ni Colet ang sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now