KABANATA XXXII

713 27 4
                                    

Pitong araw mula ng aksidente ay nahuli na rin ang mga suspek, nalaman na rin nila kung sino ang mastermind, na hindi naman na kinabigla nila Colet. Sila na rin ni Chie ang nag asikaso ng kaso habang si papa naman na ang naging abala sa burial kahit iniinda pa nito ang kaniyang braso.

At si Jhoanna ay sa wakas ay gising na.

Nagising na lang ito na hinahanap na ang mama niya, hindi namin alam ang sasabihin pero mukhang alam naman na rin niya nung mga oras na yon ang nangyari.

Pilit siyang pinatahan ni mama ng mga oras na yon dahil hindi pa makakabuti sa kaniya ang mastress at malungkot.

Ngayon, huling araw na ng burol ng mag-amang Filomeno. Pinayagan naman na ng hospital na lumabas si Jhoanna kahit na may ilan pa itong iniinda. Minabuti na lang din naman namin ni Chie na maghire na lang ng pansamantalang personal nurse ni Jhoanna na sinang ayunan din naman ni Stacey.

Nanatili lang sa unahan ng mga upuan ng chapel ang magkapatid kasama ang papa nila. Tahimik lang sila na para bang pilit na prinoproseso ang mga nangyari.

Hindi biro ang nangyari sa kanila nitong nakaraan araw at mas lalong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay. Mabuti na lang kahit papano ay nasasandalan pa rin nila ang isa't isa bilang isang pamilya.

"Hindi ba nakaka apekto sa shoot mo ang nangyari?"

"Hindi naman, one week lang, masiguro ko lang na okay yung dalawa, babalik na rin ako" Sagot ko kay Colet.

"So, totoo pala yung sinabi ni Chie?" Taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Na nasabi na niya sayo lahat at kapatid ka na niya" Napangiti na lang naman ako at tumango.

"Gulo kasi ng set up, kapatid niya si Jho, kapatid ako ni Jho, kapatid siya ni Jho kaya mas okay lang kung kapatid ko rin siya" Sagot ko.

"Nabanggit na rin niya sayo yung nangyari?" Tumango naman ako bilang tugon.

"Kailan natin pag-uusapan ang atin?"

"Ano bang meron sa atin?" Asar ko.

"Ang sakit mo naman, direk" Usap niya habang hawak-hawak ang dibdib.

"May tamang oras para diyan, Chairman"

"Sa ngayon, sila na muna ang unahin natin" Tinapik ko na lang naman ng bahagya ang pisnge niya at nilapitan na si Aiah at Sheena.

Kailangan masiguro ko munang okay at ayos ang mga kapatid ko bago ko ayusin yung amin.

Isang linggo matapos ng libing ng mag-amang Filomeno ay sa bahay na namin nag stay si Jhoanna at Chie kasama ni Calix. Dito na rin nag stay ang mga kaibigan namin para lang makasiguro na okay lang at may makakasama ang tatlo.

"Si Colet, nak?" Tanungan ba ako ng nawawala?

"Hindi ko po alam, ma"

"Bakit hindi mo alam?" Taka pa niyang tanong kaya taka rin naman akong tumingin sa kaniya.

"Kasi hindi ko po alam?"

"Hindi mo na ba mahal, nak?" Seryosong tanong pa niya na siyang lalong pinagtaka ko.

"Ma, hindi porke hindi ko po alam kung nasaan si Vergara ngayon e hindi ko na po siya mahal"

"So mahal mo pa?" Tanong pa niya.

"Hindi naman po nawala" Sagot ko.

Ngiting-ngiti naman itong tumayo at binuhat na ang dalawang baso ng gatas na tinimpla niya.

"Sige maiwan na kita, bigay ko muna to sa mga kapatid mo sa taas" Paalam na niya ng halikan na rin ang pisnge ko.

"Pahinga ka na rin ma" Bilin ko pa at agad din naman siyang tumango.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now