THIRD PERSON'S POV
"Isa talaga sa bucket list ko to e"
"Ang makasama ka rito sa tuwing lalayo ako sa lahat" Bungad na usap ni Colet sa nobya ng ibida ang isang yate na siyang kinagulat ni Maloi.
"Wait! Sayo rin to?!"
"Kay Daddy, lahat ng meron ako sa mga magulang ko yon, iniwan lang nila ako at ang mga 'to" Sagot niya habang inaalalayan ang nobya paakyat ng yate.
"Ikaw mag drive" Natatawa na usap niya sa nobya habang turo-turo ang manibela ng yate. Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kaniya si Maloi kaya natawa na lang din naman ulit ito sa reaksyon ng nobya.
"Ayaw mo na ba mabuhay?"
"Oa talaga, easy lang ito uyab, kayang-kaya mo yan"
Wala naman na nagawa si Maloi ng kulitin na siya nang kulitin ni Colet kaya kabado naman na niyang hinawakan ang manibela ng yate.
"Chill, uyab! parang kotse lang yan" Pagpapakalma na ni Colet sa nobya ng halikan na rin nito ang pisnge ni Maloi.
Napahinga na lang naman ng malalim ang dalaga ng pagmasdan na rin ni Colet ang paligid nila sa bandang unahan, nang masigurong okay ay agad na bumalik ito sa tabi ng nobya at agad na binuksan na ang makina.
"Uyab" Nakangusong sabi na ni Maloi sa nobya kaya muli naman na natawa ito.
"Kasama mo ko, dito lang ako sa tabi mo" Pagpapalakas na ng loob ni Colet sa nobya at nakangiting hinalikan ang labi nito.
"Go, uyab!"
"Colet!"
"Go lang, uyab!"
"Mama! Mama si Colet!" Kabadong sigaw pa rin ni Maloi ng paandarin na ang yate.
"Uyab! Uyab!"
"No, uyab, you're doing good" Sagot lamang ni Colet sa nobya habang lilinga-linga sa paligid nila.
"Sinasabi ko sayo, Colet! Wala kang kiss ———-
"Ako na, uyab" Biglang agaw nito sa manibela kaya inis naman siyang hinampas ni Maloi sa balikat.
"Abat ———-
Hindi naman na nakausap pa si Maloi ng mabilis na halikan ni Colet ang labi nito.
"Chill ka na diyan, ako na"
Ilan sandali pa at pagkarating nila sa hindi kalayuan at sa gitnang bahagi ng dagat ay agad na binaba ni Colet ang angkla at mabilis na nilatag sa bandang unahan ang foam na nasa yate. Tinulungan naman na siyang maghain ng pagkain ni Maloi kaya hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin silang kumain.
"Hindi pa rin ako makapaniwala sa trip mo ngayon, uyab"
"Pero salamat, ang saya ng puso ko" Nakangiting usap ni Maloi kay Colet kaya agad-agad din naman nahawa sa kaniyang matamis na ngiti ang nobya.
"Yun naman ang importante ron, masaya ang uyab ko" Nasabi na lang din ni Colet ng lagyan na ng pagkain niluto niya ang pinggan ng nobya.
"I love you"
Napatigil na lang naman sa pag asikaso si Colet ng muling magsalita ang nobya.
"I love ——
"Bakit ka umiiyak, uyab?" Hindi natuloy na sasabihin nito ng makitang umiiyak si Maloi.
"Uyab? Akala ko ba masaya ka?" Takang tanong na ni Colet dito kaya natawa na lang naman si Maloi.
"Masaya ako"
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...