KABANATA II

5.5K 104 2
                                    

"Okay ka lang?"

"Bakit, Maloi?"

Tanong na ng magnobya sa akin ng mapansin nilang nanatiling nasa labas ng restaurant ang tingin ko.

Hindi naman siya siguro, iyon.

Kasi kung siya iyon, ano naman ginagawa niya rito?

Tss! Pake ko ba ron!

"Hmm, oo okay lang ako" Natatawang sagot ko na lang sa kanilang dalawa kaya tumango naman na ang mga ito.

"Rito ka na umupo, magsabi ka lang kung may problema ah" Bulong pa ni Mikha ng paghila na rin ako ng upuan pagkatapos niya rin paghila ng upuan si Aiah.

"Sure kang okay ka lang?" Paninigurado pa ni Aiah sa tabi ko kaya tumango na lang naman ako.

"Oo, may napansin lang ako" Sagot ko kaya tumango na lang din naman si Aiah.

Binaling ko na lang naman ang tingin ko sa dalawa ko pang kaibigan na akala mo hindi nag aaway sa sobrang lambot na sa isa't isa.

"Kaya ko naman maghila ng upuan" Usap pa ni Stacey ng maupo na rin sa upuan matapos paghila ni Jhoanna ng upuan.

Natawa at napailing na lang naman kami ni Aiah habang nakatingin sa kanila.

"Alam ko, e gusto ko e" Rebat ni Jhoanna kaya sabay naman kaming napatingin ni Aiah sa isa't isa.

"Wow!" Nasabi na lang din ni Aiah kaya napangiti naman na ako.

"Ito na yon, diyan nagsimula lolo't lola ko"

Ilang saglit pa ay tumayo na rin si Mikha mula sa pagkakaupo sa kabilang tabi ni Aiah at muling lumabas mula sa restaurant.

"Aiah!" Tawag na ni Sheena na siyang pianist nila sa banda.

"Bebe" Nakangiting salubong sa kaniya ni Aiah at niyakap na rin si Sheena.

"Anong bebe? What's mine is mine, roon ka sa Mikha mo" Biglang litaw ni Gwen na siyang gitarista nila, na siya rin nobya ni Sheena.

Mga bading!

"Damot naman" Biro pa ni Aiah at niyakap na rin si Gwen.

Ilang saglit pa ay isa-isa na kaming nginitian ni Sheena kaya ganon din naman kaming tatlo nila Jhoanna at Stacey dito.

Sa totoo lang, sa apat na taon ni Mikha sa banda, ngayon lang namin makikilala ng personal tong mga kabanda niya. Lagi ba naman kaming busy kaka shoot o kaka sulat ng mga balita o kung ano pang pinapagawa sa iba't ibang lugar e.

Pero atleast, kilala namin sila sa mukha at pangalan.

"Hi! Ikaw si Maloi diba?" Tanong na niya sa akin kaya ngumiti naman ako rito at tumango.

"Sheena" Pakilala na niya at nakipag kamay na sa akin.

"Lagi kayong nakwekwento sa amin ni Aiah at Mikha, matagal ko na nga kayong gustong makita kaya lang lagi raw kayong busy" Nakanguso ng sabi niya kaya natawa naman ako.

"Oo e marami kasing pinapagawa sa department namin pero atleast ngayon diba, nagka chance na" Nakangiti pa rin usap ko sa kaniya kaya tumango naman ito.

"At marami pang susunod"

Isa-isa naman na kaming nagpakilala sa isa't isa ganon din sila Jhoanna at Stacey sa dalawang magnobya.

"Order na tayo, kausap pa ni Colet daddy niya sa labas e" Usap na ni Mikha kaya umorder naman na kami sa waiter na nasa harap namin.

Habang naghihintay sa pagkain ay isa-isa pa namin kinikilala nila Jhoanna at Stacey sina Gwen at Sheena na siya naman kinasaya ng puso ko.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now