KABANATA VII

3.1K 70 5
                                    

"Kumusta siya?" Tanong ng hindi katandaan lalaki sa kaniya ng makauwi na ito sa kanila.

"Mas ayos siguro kung hindi na lang nag krus mga landas natin sa buhay niya, maayos, tahimik at payapa ang buhay na meron sila" Simpleng sagot nito ng naupo na sa kanilang sala.

"Pero dahil sa mga nangyari, sa ayaw man at sa gusto natin, alam natin mababasag natin ang tahimik at payapang buhay na yon kapag nalaman na niya ang totoo" Naiinis na sagot nito habang ginugulo ang buhok at nag aalalang hinilamos ang palad sa mukha nito.

"At ngayon alam na ng mga taong malalapit sa kaniya ang totoo pati sila madadamay kapag nalaman nilang may tinago ang mga taong yon sa kaniya, dinagdagan lang natin yung sakit na dinala mo sa buhay niya, sakit na kailangan ma'y hindi niya dapat nararamdaman" Mahabang usap nito sa lalaki na ngayo'y tahimik lang na nakikinig.

"At ngayon, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat, kung paano pa niya ako paniniwalaan kapag sinabi ko na lahat ———

"Lahat? Kasama ba ang nararamdaman mo sa lahat na yon?" Pagpuputol na tanong na ng lalaki sa bata kaya saglit pa itong natahimik.

"Baka nakakalimutan mo kung anong kayang gawin ng panganay ko, baka nakakalimutan mo kung ano ang kaya niyang isuko at isakpripisyo para sayo" Pagpapaalala na ng lalaki rito kaya napaiwas naman na ito ng tingin.

"Pero ———

"Bantayan at siguraduhin mong ligtas, yun lang, kahit na sa malayo, hindi mo na kailangan lumapit pa sa kaniya o ano, wala ng dapat na humigit pa sa makasigurong tayong okay siya at maayos"

"Dahil alam mo na kahit na anong mangyari, alam mong sa panganay ko pa rin ikaw uuwi" Seryosong usap na ng lalaki sa kaniya kaya wala naman na nagawa ang bata kung hindi ang mapaiwas na lamang ng tingin.

"Nagkakaintindihan ba tayo, anak?" Tanong na nito ngunit hindi naman agad nakasagot ang bata.

"Yes dad"

~~~~

"Huwag mong sabihin hinihintay mo?" Tanong sa akin ni Stacey ng makalabas na kami sa bahay matapos maghanda ng mga sarili bago pumasok.

Gaya ng bilin ni mama ay dito nga sila natulog kagabi, wala rin naman kaso sa kanila yon dahil madalas na nila iyon gawin. Sa katunayan ay meron na rin silang kanya-kanyang closet sa bahay kaya wala na rin kaso ang mga susuotin nila kung sakali.

Kapatid ko nga talaga ang mga ito.

Mga kapatid kong sila-sila rin nagjojowaan, hays!

Looking for kapatid hahahahaha. Just kidding!

"Huh? Sino?" Takang tanong ko sa kaniya pero umuling naman ito.

"Nako, maloi ah, deliks ka riyan" Seryoso ng usap niya kaya kunot noo ko naman na itong tinignan.

"Gaga! Kung ano-ano nanaman naiisip mo" Nasabi ko na lang.

"Sana lang talaga wala lang yan, kung pwede nga lang huwag ka na makipagkita ron" Inis na sabi niya kaya napailing na lang naman ako.

Ewan ko ba riyan kay Stacey.

Papasok na sana ako sa kotse ko ng bigla naman din may bumusina sa labas ng tatlong beses. Sabay-sabay naman kaming napatingin doon kaya sabay naman din napailing si Jhoanna at Mikha ng makita kung sino iyon.

"Hindi na talaga siya lalayo no?" Nasabi na lang ni Jhoanna at inis na tinignan si Colet na kakalabas lang ng sasakyan nito.

"Hindi ko na alam gagawin ko" Nasabi na lang din ni Mikha habang sabunot na ang sarili.

About You (MACOLET)Where stories live. Discover now