"Si Jhoanna ba yon?" Tanong ni Mikha ng makita si Jhoanna sa di kalayuan sa bahay namin na nakasandal sa kotse niya habang naka facemask pa at sumbrero bago kami tuluyang makaliko sa kanto ng bahay namin matapos maglakad-lakad kasama ni Aiah.
"E kanina pa yang kotse na yan diyan e, anong ginagawa niya diyan?" Takang tanong pa ni Aiah habang parang tanga naman kaming nakatago sa isang kotse habang nakatanaw kay Jhoanna na nakatanaw naman sa bahay namin mula sa malayo.
"Malamang sa malamang miss na kayo niyan ni tita" Bulong sa akin ni Mikha kaya nanatili na lang naman kay Jhoanna ang tingin ko.
~~~~~~~
"Ano kayang napapala niya sa pagtingin sa bahay namin?" Natanong ko na lang sa sarili ko ng nasilip ko nanaman ang kotseng gamit niya noon nakita namin siya nila Aiah at Mikha sa malayo.
"Alas dose na" Nag-aalala ng usap ko ng tignan ko na ang relo ko.
"Tigas ng mukha talaga" Pinatay ko naman na ang ilaw sa kwarto ko at doon ko naman nakita na inistart na niya ang kotse niya at nagdrive na paalis.
Hinihintay lang akong matulog?
~~~~~~~
"Si Jho" Rinig ko naman ng usap ni Colet ng makasalubong namin ang kotse niyang paalis na sa tapat ng bahay namin pagdating na pagdating namin.
"Nakaraan pa yan pabalik-balik" Usap ko sa kaniya ng lingunin ko na amg kotse ni Jhoanna.
"Wala naman siya mapapala dito sa labas" Nasabi ko na lang at lumabas na sa kotse.
~~~~~~~~~
"Anong trip niyan?" Tanong na ni Sheena ng ituro ang labas ng bahay kung nasaan si Jhoanna.
"Bagong tambayan niya yan" Nasabi ko na lang kaya bahagya naman natawa si Gwen.
"Malamok sa bagong tambayan niya ah" Usap pa ni Gwen kaya muli naman akong napatingin sa pwesto niya na madilim.
"Trip niya yan e"
~~~~~~~~~~
"Hindi mo man lang ba papapasukin ang kapatid mo roon?" Tanong sa akin ni mama ng makapasok na ito sa bahay.
"Hindi naman po siya kumatok para pumasok" Sagot ko kay mama kaya napailing na lang naman ito.
"Sige, maghintayan kayo" Usap pa niya bago tuluyang pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
"Kumain ka na ma?!" Tanong ko na sa kaniya mula sa sala.
"Ang kapatid mo sa labas ang tanungin mo, ang payat payat!" Sigaw niya pabalik kaya napanguso na lang naman ako.
Kulit talaga ng sisiw na yon.
~~~~~~~~~~
"Kumatok ka na kasi" Usap ko nanaman sa sarili ko ng madatnan nanaman si Jhoanna sa bago niyang tambayan.
"Akala ko umuwi na yan" Gulat na aniya ni Stacey ng makita mula sa kwarto ko kung nasaan si Jhoanna.
"Huh?"
"Hinatid ako niyan kanina, akala ko umuwi na yan" Sagot niya kaya napatango na lang naman ako.
"Magdadalawang linggo na siya diyan tumatambay" Kwento ko na kay Stacey kaya gulat naman siyang tumingin sa akin.
"Akala ko kay Chie siya pumupunta kasi sabi niya sa kapatid niya na muna siya" Hindi pa rin makapaniwala na usap ni Stacey sa akin.
"Hello? Kapatid niya ako" Hindi rin makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
About You (MACOLET)
FanfictionDarating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na? Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya? O kap...